Connect with us

Viral

Pinay nanny sa Dubai, hindi iniwanan ang kaniyang amo kahit pa milyonarya na siya ngayon!

Avatar

Published

on

Marami sa ating mga kababayan ang pinipili na lamang na magtungo sa ibang bansa at doon magtrabaho upang kumita sila ng mas malaki kumpara sa ibang mga trabaho dito sa Pilipinas. Nakakalungkot lamang isipin na hindi lahat sila ay mayroong magagandang karanasan sa pangingibang-bayan.

Maraming nakakaranas ng pang-aapi at pangmamaltrato mula sa kanilang mga amo. Habang ang iba naman ay nakakagawa ng kasalanan dahil sa pagtatanggol sa kanilang mga sarili.

Sa kabila ng hindi magagandang karanasan na ito ay mayroon pa ring mga mangilan-ngilang Pilipino na nakakatagpo ng mga mabubuting amo. Halimbawa na lamang ang taga-Iloilo na si Rosie Vargas Villa, walong taon na siya sa Dubai at dahil sa kaniyang pagsisikap sa kaniyang trabaho ay isa na siyang milyonarya sa ngayon.

Bago pa man siya napunta sa Dubai ay nagtrabaho na rin siya sa Singapore, HongKong, at India. Naitampok ang kwento ng kaniyang buhay sa “Global Pinoy Unlimited” ng GMA Pinoy TV.

Kahit pa nga marami na siyang ipon sa ngayon ay hindi pa rin niya iniiwanan ang pamilyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Para kasi sa kaniya ay madaling mauubos ang pera ngunit hinding-hindi na mababalikan pa ang mga panahong masasayang kung iiwanan niya ang kaniyang mga alaga.

Bagamat isa siyang “single parent” ay hindi ito naging hadlang upang hindi niya magawa ng mabuti ang kaniyang trabaho bilang isang nanny. “Special Auntie” ang pakilala sa kaniya ng kaniyang amo sa kaniyang mga alagang bata.

Hindi naman siya nahirapang alagaan ang mga batang ito dahil sa mababait naman silang lahat. Naiintindihan din naman ng kaniyang anak na babae sa Pinas ang kaniyang dahilan kung bakit hindi pa niya maiwanan ang kaniyang mga alaga.

Batid ng mga amo ni Rosie na masipag siya sa kaniyang trabaho at mapagmahal pagdating sa kaniyang mga alaga. Kung kaya naman madali na lamang para sa buong pamilya ng kaniyang amo na ituring siyang bahagi na rin ng kanilang pamilya.

Tunay nga na hindi mahalaga ang pera o ang tagumpay para sa kaniya, mas binibigyan niya ng importansiya ang mga taong nagpahalaga sa kaniya at hindi siya itinuring na iba.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media