Connect with us

Viral

Mommy Vlogger mayroong paalala sa kapwa niya mga magulang na hindi dapat obligahin ang mga anak na iahon sa hirap ang kanilang mga magulang

Avatar

Published

on

Masarap magkaroon ng anak, makapiling ang ating mga magulang at magkaroon ng isang kumpleto at malaking pamilya ngunit nakakalungkot lamang isipin na hindi naman lahat ng pamilya ay masaya, hindi rin lahat ay kumpleto. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin naman sa atin ang nagsusumikap na magkaroon ng isang maayos na pamilya na mayroong pagmamahal at respeto para sa isa’t-isa.

Nito lamang ika-9 ng Pebrero ay ibinahagi ni Ciara ng “Mommy Diaries PH” ang kaniyang opinyon patungkol sa mga magulang na tila ba inoobliga ang kanilang mga anak na iahon sila sa kahirapan o di kaya naman ay patuloy silang sustentuhan sa kanilang pagtanda. Ang mga katagang “Inaalagaan kita para pag tanda namin ng Daddy mo ay kami naman ang aalagaan mo”, “Pinapaaral ka namin para i-ahon mo kami sa hirap”, at “Dahil sakin kaya ka sinilang sa mundong ito.

Utang mo sakin ang lahat”, ang mga katagang madalas natin naririnig sa mga magulang lalo na kung nais nilang sumbatan o di kaya naman ay konsensiyahin ang kanilang mga anak. Talaga nga namang hindi ito magandang halimbawa para sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan ngayon na sa paglipas ng panahon ay magiging mga magulang din naman.

Dagdag pa ng mommy vlogger na ito ay hindi wastong obligahin o pilitin ng mga magulang ang kanilang mga anak na sustentuhan sila sa kanilang pagtanda. Bagkus ay dapat lamang na matuto ang mga magulang na mag-impok na ng maaga upang sa kanilang pagtanda ay hindi na sila aasa pa sa kanilang mga anak.

Napakasarap magkaroon ng anak, mga anak na ating pinalangin sa Diyos upang mas magpatibay pa ng pagsasamahan ng isang mag-asawa. Mas nagiging matatag din ang isang pamilya kung mayroong anak na siyang mas bumubuo sa isang mag-asawa.

Kung kaya naman hinding-hindi dapat natin ugaliin na iasa sa ating mga anak ang maraming mga bagay kung maaari namang hayaan na natin silang mamuhay ng payapa kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang makita silang masaya at kuntento sa kanilang buhay ay talaga namang napakalaki nang bagay para sa ating mga magulang. Nagpapatunay lamang ito na nagtagumpay tayong palakihin sila ng responsable, may disiplina at mayroong takot sa Diyos.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media