Connect with us

Viral

Isang lola na nagtitiis sa Php25 niyang kita sa araw-araw para sa kaniyang anak at apo nakatanggap ng tulong mula sa mga netizens!

Avatar

Published

on

Habang nagkakaedad tayo at tumatanda sa paglipas ng panahon ay mas nararanasan natin ang malaking pagkakaiba lalo na sa pisikal nating pangangatawan noong tayo ay bata pa kumpara sa kasalukuyang edad natin sa ngayon. Marahil ay marami rin ang magsasabing mahirap talagang tumanda hindi lamang sa mga pisikal na abilidad na maaaring hindi na natin makayanan pang gawin.

Ngunit para sa isang lola na ito ay hindi kailan man magiging rason ang kaniyang edad upang tumigil siya sa kaniyang paghahanap-buhay kahit pa nga ang kaniyang kinikita ay halos Php25 lang sa loob ng isang araw. Ibinahagi ng netizen na si Marilou Mendoza Labanes ang kwento ng matandang babae na ito na mula sa Brgy. Bal-ason Gingoog City, Misamis Oriental.


Kasama ng lola sa munti nilang tahanan ang kaniyang anak na mayroong kapansanan sa pag-iisip at ang kaniyang isang apo. Gumagawa siya ng mga barbecue sticks na nagkakahalaga lamang ng Php5 kada 100 piraso.

Araw-araw ay sinisikap niya talagang makagawa ng 500 piraso upang kahit papaano ay makaraos silang mag-anak. Dahil sa hirap ng buhay ngayon lalo na at pandemya ay bumibili na lamang siya ng mais.

Buti na lamang at mayroon silang mga mababait na kapit-bahay na siyang nagbibigay sa kanila ng kaunting bigas o di kaya naman ay pagkain. Nagahasa at nabuntis ang kaniyang anak noon kung kaya naman sa kabila ng edad ay hindi lamang siya nagbabanat ng buto kundi nag-aalaga din ng kaniyang apo.

Buti na lamang ay marami ang nagbahagi at nagkomento ng sa kwentong ito ng matandang babae kung kaya naman mayroong mga taong naabot ang nakakaantig na kwentong ito tulad na lamang halimbawa ng mag-asawang Arnold Suwannee Vicente na mula pa sa Australia na nagpaabot ng tulong at sari-saring pagkain para sa matanda, sa kaniyang anak at apo. Tunay nga na hindi pa rin nawawala ang mga taong busilak ang puso at walang hinihintay na kapalit matulungan lamang ang kanilang kapwa na labis na nangangailangan.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media