Connect with us

Viral

Isang biker nakatanggap ng pangmamaliit at pamamahiya sa lalaking mayaman na may-ari ng kotse na diumano ay muntik nang makabangga mismo sa siklista!

Published

on

Hindi bago sa ating mga Pinoy ang away sa kalsada. Madalas na marami talagang mga “driver” at motoristang maiinit ang ulo lalo na kung matindi ang daloy ng trapiko.

Maaaring nagmamadali sila dahil sa kanilang mga trabaho o personal na patutunguhan. Hindi rin naman natin maikakailang mayroong mga kaskaserong motorista at talagang mayayabang na mga driver.

Photo credit: Mark Jandy J. Ortillana / Facebook

Kamakailan lamang ay naging viral ang video na ito na ibinahagi ng netizen na si Mark Jandy J. Ortillana. Sa kuha niyang video ay makikita ang dalawang mga lalaki na parehong nakasuot ng puting damit na tila ba pinipigilan ang lalaking siklista na makadaan o makaalis sa kaniyang pwesto.

Photo credit: Mark Jandy J. Ortillana / Facebook

Sa kanilang mainit na argumento ay maririnig na nagsalita ang biker kung bakit ganoon na lamang ang galit at inis ng mga nakakotse sa kaniya samantalang sila nga itong muntik nang makadisgrasya sa kaniya. Sinagot naman niya ng lalaking nakakotse at tinanong kung mahal ba ang kaniyang bisikleta.

Photo credit: Mark Jandy J. Ortillana / Facebook

Dagdag pa nito, kung sakaling nadisgrasya nga nila ang siklista ay kaya daw niya itong ipa-ospital at ipagamot ngunit hinding hindi niya kayang mabayaran ang magiging gastos kung magagasgasan niya ang sasakyan ng lalaking ito. Talaga namang nanlumo ang netizen ng marinig ang mga katagang ito dahil sa tila ba mas nais pa ng lalaking nakakotse na madisgrasya ang ibang tao huwag lamang magasgasan ang kaniyang sasakyan!

Photo credit: Mark Jandy J. Ortillana / Facebook

Hindi ito naging katanggap-tanggap kahit na sa iba pang mga netizens. Kung sana ay naging mahaba ang pasensiya at maunawain ng mga naka-kotse ay hindi na magkakaroon pa ng ganitong komprontasyon.

Hindi rin naman tama na mas pahalagahan ng lalaki ang kaniyang kotse kaysa sa buhay o kapakanan ng lalaking nakabisikleta. Marahil ito ay dapat maging isang leksyon ito para sa ating lahat na huwag nating kalilimutang maging maunawain sa ating kapwa kahit na ano pa ang estado natin sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media