Connect with us

Viral

Karanasan ng isang Mommy Vlogger matapos mawalan ng anak dahil sa SIDS umantig sa puso ng publiko at nagbigay ng inspirasyon sa mas maraming mga magulang!

Avatar

Published

on

Hindi madali maging isang ina, mahirap at talaga namang magsasakripisyo ka. Sa oras na ipagbuntis mo ang iyong anak, siyam na buwang walang maayos na tulog at pahinga, delikadong panganganak at pagpapalaki ng isang malikot na paslit, talagang hahamunin ang iyong pasensiya at uubusin ang iyong lakas.

Ngunit sa kabila nito, talagang napakasarap at hindi rin matatawaran ng ganitong karanasan. Hindi mabibili ng pera at hindi mo kailan man ipagpapalit sa ano mang materyal na bagay.

Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng publiko ang kwento ng mommy vlogger na ito ng”Busy With Mommy” page na si Angelica De Leon-Panganiban. Ibinahagi niya sa kaniyang page ang napakasakit na nangyari sa kaniya nito lamang ika-14 na araw ng Enero.


Ito kasi ang araw na pinakatatakutan ng maraming mga ina, ang mawala at tuluyang pumanaw ang kanilang mga anak. Sa edad na 1 taon at anim na buwan ay nasawi ang anak niyang si Alonzo dahil sa “aspiration” kung saan ang laway na nasa bibig ng isang sanggol na natutulog ay napupunta sa kaniyang baga at nagiging dahilan ng “choking” sa bata.

Ayon sa kaniyang naging pagbabahagi sa kaniyang page ay isang normal na araw lang naman ang naranasan nilang mag-ina noon. Kung kaya naman hindi niya akalain na matatagpuan na lamang niya ang kaniyang anak na wala nang buhay habang natutulog ito bandang alas-dos ng hapon.

Nang makita niya ang anak na iba na ang kulay ng labi at tila malamig na ang kamay ay ginawa pa rin niya ang lahat upang mailigtas ito. Ngunit kahit ang “mouth-to-mouth resuscitation” at agarang pagdadala sa ospital ay hindi na rin nakapagligtas ng buhay ni Alonzo.

Maliban sa paghiling ng isang maikling panalangin para sa kaniyang namayapang anak, nagbigay din ng inspirasyon si Angelica sa maraming mga magulang na hanggang mayroon pa silang oras at panahon na makasama ang kanilang mga anak ay huwag na nila itong sayangin pa. Bago pa man si Alonzo ay nawalan na rin pala siya ng isa pang anak na babae taong 2017 dahil premature na isinilang ang bata ay 14 na araw lamang siyang nabuhay.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media