Connect with us

Viral

Isang babaeng dadalaw lamang sa kaniyang yumaong mahal sa buhay, namataan ang isang asong nagbabantay sa libingan ng kaniyang amo sa sementeryo!

Published

on

Marami sa atin ang talagang mahilig sa mga hayop. Tila ba nagkakaroon tayo ng bagong kapamilya o kaibigan dahil sa kanila.

Nagdudulot din sila ng kaligayahan sa atin dahil sa napapawi nila ang ating kalungkutan. Madalas na nakakapanlumong makita ang mga pet owner na talagang nangungulila sa kanilang mga alagang una nang lumisan.

Ngunit lingid sa ating kaalaman ay mas mahirap pala kung unang masasawi ang amo kaysa sa kaniyang alaga. Tulad na lamang ng nasaksihang eksena ng netizen na si Blanche Jotie sa isang sementeryo ng minsan niyang dalawin ang mahal niya sa buhay na pumanaw na.

Nagtungo siya noon sa Heavens Garden sa Loakan Baguio City. Tumambad sa kaniya ang isang asong kulay puti na nasa tabi ng isang puntod na tila bago pa dahil sa nakaumbok pa ang lupa nito. Tahimik lamang na nakaupo ang aso sa tabi ng kaniyang amo.


“If you’re a dog owner, you probably already know just how awesome dogs are. They fill your life with love, loyalty, fur, and plenty of reasons to smile.” Pahayag ni Blanche Jotie sa kaniyang post.

Umani naman ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito ni Blanche. Tunay nga na hindi talaga matutumbasan ang pagiging tapat ng mga asong ito kahit pa sa kahuli-huling sandali ng kanilang minamahal na mga amo.

Hindi nila alintana ang panganib na maaaring mangyari sa kanila dahil sa ang nais lamang nila ay makasama ang mga ito may buhay man o wala na. Nag-aalala man si Blanche sa maaaring mangyari sa asong ito ay nakiusap siya sa pamilya ng namayapa niyang amo na sana ay ampunin at alagaan ang asong ito na hanggang sa ngayon ay talagang nangungulila pa rin sa pagkawala ng kaniyang amo.

Narito ang komento ng isang netizen na talagang ramdam din ang kalungkutan at pangungulila ng asong ito:

“Eto yung masakit eh! Kapag ‘yung fur baby ang pupunta ng heaven kaya ng taong mabuhay! Pero kapag ‘yung fur baby ang naiwan hindi nila alam ‘yung gagawin. Nakalulungkot lang talaga. Ikaw na kasi ‘yung buhay nila,” kuwento naman ni Aria Mae Torreon Longronio.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media