Connect with us

Viral

Isang Pinoy, nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa isang Foreigner ngunit hindi niya inaasahang kakaharapin nila ang pagsubok na ito na muntikan nang magpahiwalay sa kanila!

Published

on

Sa pagpili natin sa taong mamahalin natin o makakasama sa habang buhay, madalas ay hinahanap talaga natin ang taong katulad natin ng pag-uugali at paniniwala. Ngunit paano na lamang kung sakaling tumibok ang puso mo sa isang dayuhan?

Handa ka bang ipaglaban ang inyong pagmamahalan o agad ka na lamang susuko kung dumating man ang pinakamatinding pagsubok na susukat sa katatagan ng inyong relasyon? Nito lamang Pebrero 4, 2021 ay naitampok sa “Eat Bulaga!” ang kwento ng mga magkakarelasyon na isang Pilipino at dayuhan na muntikan nang magkahiwalay.

Isa na sa kanila sina Eugene Galang mula sa Antipolo City at si Vikachka Chaya Radaviciute mual sa Lithuania. Sa ngayon ay 3 taon at 6 na buwan na ang kanilang relasyon ngunit talagang mas pinatatag sila ng mga pagsubok na kanilang naranasan noon.


Sa naging pagbabahagi ni Eugene sa programa ay ikinuwento nitong sa social media niya nakilala ang nobya. Hindi niya akalain na maglaan ito ng oras para makausap at makilala siya kahit pa nga magkalayo ang bansang kanilang tinitirhan.

Nagbunga ang naging masugid na panliligaw at pagsuyo ni Eugene kay Vika kahit pa nga sa anim na oras na pagitan ng Pilipinas sa Lithuania ay talagang sinisikap ng nobyong sabayan ang pagtulog ng kaniyang minamahal upang pag gising nila ay magkakaroon sila ng masaya at makabuluhang pag-uusap kahit sa pamamagitan lamang ng video call. Ngunit noong akala nilang ayos na ang lahat at wala nang makapipigil pa sa kanilang pagmamahalan ay dito na nga dumating ang matinding pagsubok na muntik nang magpahiwalay sa kanilang dalawa.

Sarado Katoliko kasi ang pamilya ni Eugene at isa namang Jewish si Vika. Hindi nila nais ang magpalit ng relihiyon kung kaya naman napagkasunduan na lamang nilang igalang ang relihiyon ng bawat isa lalo na at wala rin namang malaking pagkakaiba ang mga ito.

Sa ngayon ay mas lalo pang tumatatag ang kanilang relasyon at kasabay nito ay ang nakakakilig nilang YouTube channel na talagang pinakaaabangan ng publiko.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media