Connect with us

Viral

Reaksyon ng isang lalaking driver na nabangga ng isang motorsiklo, labis na ikinabigla ng publiko!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang matinding trapiko sa mga pangunahing kalsada natin lalo na nga sa mga siyudad partikular na sa Maynila. Madalas ay nagiging dahilan na rin ang matinding trapiko na ito upang uminit ang ulo ng mga driver at iba pang mga motorista.

Nakakalungkot mang isipin ngunit sa nagdaang mga taon ay hindi na mabilang ang mga insidenteng naganap kung saan nag-aabot ang dalawang driver sa gitna ng kalsada. Marahil ay nabangga ng isang driver ang isang sasakyan kung kaya naman agad na bumaba ang driver, nagalit, nag-away at nauwi sa sakitan o di kaya naman ay pagkakasawi ng isa sa kanila.

Sa kabilang banda, mayroon din naman palang iilang mga driver na mayroon pa ring magandang pag-uugali. Tulad na lamang ng isang lalaking ito na nakuhanan ng video sa Aurora underpass.

Isang babaeng nakasakay sa motorsiklo ang kumuha ng video kung saan makikita ang banggaan ng isang pulang kotse at isang motorsiklo. Makikita sa video na bumaba kaagad ang lalaking nagmamaneho ng kotse, sinilip ang kaniyang sasakyan at agad na tinatanong ang nakabanggang motorsiklo kung ayos lamang ba ito.

Nagulat ang mga taong nakasaksi na naroroon nang kamayan ng driver ng kotse ang nakamotorsiklo at saka bumalik sa kaniyang sasakyan. Madalas kasi talagang nagagalit ang mga may-ari ng kotse lalo na kung simpleng tao lamang ang nakabangga sa kanilang sasakyan.

Ngunit iba talaga ang lalaking ito na may-ari ng kotse dahil nagawa pa niyang kamustahin ang lalaking nakabangga sa kaniya! Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 9 na milyong views ang video na ito at mahigit 100,000 na rin ang mga naging reaksyon dito.

Tunay nga na dapat nating tularan ang lalaking ito, wala sa estado o sa ganda ng sasakyan ang pagkakaroon ng wasto at tamang pag-uugali sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media