Connect with us

Viral

Isang OFW, labis na nagulat nang malaman niyang itinatabi pala ng kaniyang mag-ama ang kaniyang sweldo sa ibang bansa!

Published

on

Nasorpresa ng husto ang OFW na si Rodelyn Fortes nang malaman niyang itinatabi at iniipon pala lahat ng kaniyang asawa at anak ang pera na kaniyang ipinapadala dito sa Pilipinas. Hindi na ito bago para sa maraming mga Pilipino.

Mahabang panahon na rin mula nang unti-unting dumami ang mga OFW (Overseas Filipino Worker) na nagbabakasakali sa ibang bansa. Mayroong iilan na talagang naging matagumpay sa kanilang paglalakbay.

Ngunit mayroong iilan na hindi pinalad at nakatagpo pa ng mga malupit na amo. Tunay nga na napakahirap ng ganitong sitwayson.

Sa kabila nito ay mas marami pang mga Pilipino ang sinubukang magtrabaho sa ibang bansa. Isa na marahil sa kanila si Rodelyn. Ngunit hindi tulad ng ibang mga Pilipino ay talagang sinikap ng kaniyang mag-ama na maitabi lahat ng kaniyang kinikita mula sa ibang bansa.

Marahil ay nanais din ng mag-ama na matulungan ang ilaw ng kanilang tahanan upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

“Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako,” Pagbabahagi ni Rogelio Fortes.

Narito naman ang mga naging komento ng mga netizens patungkol sa isyu:


“Nakakabilib ang pagpapahalaga nang-aama sa sakripisyo ng nanay. Saludo ako sayo brod!”

“Saludo ako sa inyo kuya at sa mga anak minulat mo sila sa pag iipon habang bata pa at hindi basta magastos o luho hindi mabisyo at pangpamilya talaga ang uunahin,,,,at alam sinupin ang pinaghihirapang pera proud si nanay sana all.”

“Iyan ang maganda iniipon ang padala ni Mrs..kaysa may bisyo tapos magpa Tulfo”.

Hindi nga talaga madali ang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa ngunit kung isasaisip mo naman na para ito at para sa pamily, walang masama para doon. Tiyak na makakaya moa in ng mga ito!


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media