Connect with us

Viral

Isang grupo ng mga kalalakihan, hindi inaasahang makakatuklas ng kayamanan sa bukid at makakatanggap ng gantimpalang mahigit sa Php14,000,000!

Published

on

Narinig n’yo na ba ang Yamashita’s treasure o Yamashita’s gold? Marami ang haka-haka na diumano’y itinago niya ito dito sa Pilipinas.

Hindi batid nino man ang eksaktong lugar kung nasaan ng mga kayamanan na ito ngunit itinago daw ito ng husto at sinelyuhan pa ng mga dinamita noong araw. Nahuli kalaunan si Yamashita at hinatulan ng kasawian sa pamamagitan ng pagbigti taong 1946.

Lahat ng detalye patungkol sa kaniyang itinagong kamatayan ay kasama na niyang nawala at tuluyang naglaho. Sa kabila nito ay marami pa ring mga Pilipino ang nagbabakasakali na makikita nila ang naturang kayamanan.


Ayon naman sa ilang mga artikulo, si Rogelio Roxas daw ang ilan sa mga kayamanang ito tulad na lamang ng isang malaking Buddha na gawa sa ginto. Naglalaman din daw ito ng maraming diyamante sa loob nito.

Natagpuan niya ito sa isang kweba ngunit agad din daw itong kinuha sa kaniya ng ilang mga sundalo. Ang presidente pa natin noon ay si Ferdinand Marcos. Sa ngayon ay wala nang ibang balita patungkol sa kayamanang ito.

Sa kabilang banda, mayroon din namang grupo ng mga kalalakihang ito na gumagawa lamang ng isang dokumentaryo sa isang bukod nang maka-detect ng metal sa lupa ang bago nilang aparato. Nagulat sila nang gumana ito kung kaya naman nang makatagpo sila ng isang lugar sa bukid ay agad nila itong ipinagpaalam sa may-ari ng lupa at sa mga otoridad.

Makalipas ang halos tatlong oras na paghuhukay ay nakatagpo sila ng isang bato. Dahan-dahan nila itong hinukay at isang sinaunang libingan ang tumambad sa kanila. Marami silang nakitang artifacts tulad na lamang ng barya at ilan pang sisidlan.

Ibinigay ng grupo ang kanilang mga nadiskubre sa otoridad at bilang gantimpala ay binigyan din sila ng 250,000 Euros o katumbas ng Php14, 102, 769. Talaga namang nakakamanghang malaman na mayroon pala talagang mga kayamanan na posibleng nakabaon sa ating mga kalupaan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media