Connect with us

Viral

Isang matandang namamahinga, binigyan ng libreng pagkain ng ilang mga kabataan ng palihim!

Published

on

Sabi nga ng marami, mas masarap daw talaga na ikaw mismo ang nagbibigay kaysa sa ikaw ang binibigyan. Kapag kasi ikaw ang naghahandog ng tulong sa iyong kapwa ay nangangahulugan lamang ito na mas marami kang natatanggap na biyaya.

Dahil dito ay nagiging daluyan ka ng biyaya para sa mga taong mas nangangailangan. Kung sakali naman na ikaw ang tumatanggap ng mga biyaya mula sa mga mabubuting pusong ito ay wala rin namang masama roon dahil sa gumagawa pa rin ng paraan ang Diyos upang magamit ang mga taong ito upang ikaw ay tulungan.

Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa video na ito ng ilang mga kabataan na naghahandog ng tulong sa mga taong nangangailangan. Ngunit hindi tulad ng ibang tumutulong ay hindi na sila nagpapakilala pa sa mga ito kundi nag-iiwan na lamang sila ng pagkain sa tabi ng nais nilang tulungan.


Isang matandang lalaki ang tila namamahinga at antok na antok marahil ay dahil sa maghapong trabaho niya kung kaya naman sa kaniyang pagpapahinga ay hindi niya namalayan na mayroon na palang nag-iwan ng pagkain sa kaniyang tabi. Nang magising ang matanda ay tila nagtataka at gulat na gulat niyang tiningnan kung ano ang nasa kaniyang tabi.

Tila bumulong din naman ang matanda at nagsabing “Salamat po!” para sa natanggap niyang biyaya. Tunay nga na wala sa laki o liit ng tulong natin sa ating kapwa ang basehan kung nakagawa nga talaga tayo ng isang mabuting bagay.

Wala ito sa halaga kundi nasa intensyon. Nasa puso ng mismong taong tumutulong para sa kaniyang kapwa na wala pang kakayanan sa ngayon.

Maraming mga netizens din naman ang napaisip dahil sa naturang video. Kung nanaisin daw nating makatulong sa iba ay talagang makakaya natin.

Magagawa natin at wala tayong magiging dahilan upang hindi natin ito maisakatuparan. Ang pagtulong sa ating kapwa ay isa lamang sa mga kabutihan na maaari nating gawin habang tayo ay malakas pa at maaari pang kasangkapanin ng Panginoon upang makatulong sa iba.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media