Connect with us

Viral

Isang masipag na ukay-ukay seller, nagsilbing inspirasyon sa publiko dahil sa kaniyang kasipagan ay nagawa niyang makamit ang kaniyang mga pangarap!

Published

on

Mayroon tayong kaniya-kaniya nating dahilan kung bakit tayo naghahanapbuhay. Madalas ay nais kasi nating suportahan at tustusan ang ating pamilya.

Maraming mga Pilipino ang nagsisimula sa pagiging isang “office worker” hanggang sa makatanggap ng promosyon habang mayroon din namang iilan sa kanila na sumusubok na magsimula sa isang maliit na negosyo. Madalas ngang sabihin ng marami sa atin na tiyak na may posibilidad ng pag-asenso sa pagnenegosyo.

Hawak mo pa ang iyong oras at ikaw pa mismo ang “boss” at wala nang iba pa. Ngunit hindi rin naman lahat ay mayroong lakas ng loob na pumasok sa pagnenegosyo.

Isang sugal din kasing maituturing ito lalo na at walang kasiguraduhan kung magiging matagumpay ba ito o hindi. Nagsilbing inspirasyon sa maraming mga netizens ang kwentong ito ng isang ukay-ukay seller na nakilala bilang si Rachel Lucañas.


Hindi naging madali sa umpisa ang negosyong ito ni Rachel dahil hindi naman talaga madali ang magbenta ng mga ukay-ukay. Marami ding nagduda sa kaniyang kakayahan at kumuwestiyon sa kaniya dahil sa nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Elementary Education sa Bulacan Agricultural State College.

Sa simula ay isang bulto lamang ang kaniyang itinitinda online kung saan siya rin ang nagsisilbing modelo ng mga ito. Naging matinding pagsubok din sa kaniyang negosyo ang pandemya ngunit hindi ito naging dahilan upang sumuko siya nang tuluyan.

Hindi niya akalain na ito rin pala ang magiging dahilan upang mas maging matagumpay siya sa negosyong kaniyang pinasok. Sa ngayon ay mayroon na siyang sariling warehouse at nakabili na din siya ng sarili niyang van na ginagamit niya sa pagdedeliver ng bulto-bulto niyang mga paninda.

Tunay nga na ang sukli ng kaniyang kasipagan ay ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa tulong din ng mga taong nagtitiwala sa kaniya. Labis labis naman ang kaniyang pasasalamat sa mga suki niya at sa kaniyang mga resellers na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa kaniyang sumusuporta.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media