Connect with us

Viral

Lolit Solis, sinabing tama rin naman ang naging komento ni Cristy Fermin patungkol sa mamahaling mga gamit at pamumuhay ni Jinkee Pacquiao!

Published

on

Naging mainit na usapin nitong nagdaang linggo ang naging pagpuna ni Cristy Fermin sa yayamaning mga post ni Jinkee Pacquiao online. Hindi na bago para sa mga tagasuporta at tagahanga ng pamilya Pacquiao ang madalas na pagpopost ng videos at pictures ni Jinkee sa kaniyang social media account ng maraming mga bagay tulad na lamang halimbawa ng mga yayamaning gamit at OOTDs niya.

Sa naging paglalarawan ni Cristy ay wala raw kahihiyan ang asawa ng pambansang kamao dahil sa pagbabandera nito ng marangya nilang pamumuhay. Marami din daw ang nagugutom sa buong mundo kung kaya naman hindi tama ang kaniyang ginagawang pagpopost online.

Para naman sa maraming mga tagasuporta ng sikat na public figure ay wala namang masama sa ginagawa ni Jinkee lalo na at hindi naman galing sa korapsyon ang pera na kanilang ginagastos para sa kaniyang mga luho o maging sa buo nilang pamilya. Todo-suporta ang maraming mga netizens dahil din daw sa batid naman ng maraming mg a Pilipino kung paano tumutulong ang senador at ang buong pamilya nito sa sambayanan Pilipino.


Maliban pa nga ang pagbibigay karangalan sa ating bayan sa tuwing siya ay magkakaroon ng boxing match. Para naman sa isa pang kilalang entertainment reporter, talent manager, at host na si Lolit Solis ay tila wala naman daw mali sa naging pahayag ni Cristy Fermin.

Photo Source: @akosilolitsolis

“Constructive criticism” daw dapat ito at hindi lumagpas sa puntong tila nababastos na ang isang tao. Para din naman daw sa side ni Jinkee at ng pamilya Pacquiao ay wala din naman silang dapat ipaliwanag sa publiko sa kung ano mang mayroon sila ngayon dahil sa nasaksihan ng buong mundo kung paano nila narating ang tagumpay na mayroon sila sa ngayon.

Bagamat hindi nagustuhan ng marami ang mga salitang binitiwan ni Cristy laban kay Jinkee ay wala naman itong negatibong sagot sa kaniya. Sa ngayon ay abala si Jinkee sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kaniyang asawa at sa kanilang mga anak.

 


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media