Connect with us

Viral

Isang batang kalye kasama ang kaniyang alagang aso ang nakuhanan ng larawan ng isang netizen, labis na umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Napakarami nating nararanasan na pagsubok at pagkabigo sa buhay. Hindi lamang sa trabaho, kaibigan, pag-ibig kundi maging sa ating pamilya.

Nakakalungkot mang isipin ngunit hindi yata talaga lahat ay mapalad pagdating sa pagkakaroon ng pamilya at mga kamag-anak na talagang mayroong pagmamalasakit at pagmamahal sa iyo. Marami sa ating mga Pilipino ang tila ba nasanay na sa ilang hindi magagandang kaugalian natin at ng ating mga pamilya.

Ngunit sa kabila ng magulo at maingay na mundong ito ay makakakita pa rin pala tayo ng isang wagas na pagmamalasakit at pagmamahal mula sa isang bata at sa alaga nitong aso. Kamakailan lamang ay naitampok sa ilang mga artikulo online ang kuhang larawan ng netizen na si Jennifer S. Castro.

Makikita sa larawan na ito ang isang batang babae na nakahiga, madungis, at mayroong hawak na baso sa kaniyang kamay, natural na lamang tayong nakakakita ng mga namamalimos sa lansangan ngunit ang batang babae na ito ay tila mayroong bantay na nakayakap mismo sa kaniya.

Isang aso na tila ba ayaw mawalay sa kaniyang amo at hinding-hindi papayag na mayroong masamang mangyari dito. Napakasarap pagmasdan na sa kabila ng napakaraming kaguluhan, pandemya, korapsyon, krimen, at kung ano ano pang problema sa ating kapaligiran, mayroon pa rin pala tayong masisilayan na ganitong klase ng pagmamalasakitan at pagmamahalan.

Ayon kay Jennifer, namataan niya ang magkaibigan na ito sa Rotonda, Pasay sa mismong footbridge kung saan siya napadaan. Humiling din siya na kung maaari ay matulungan ang bata at ang alaga niyang aso dahil talagang delikado ang nasa labas ngayon dulot ng pandemya.

Hindi rin ligtas ang lansangan para sa mga bata – babae man o lalaki at lalo na sa mga hayop na tulad ng asong ito sa larawan dahil maaari din silang maaksidente sa lansangan. Sana ay mayroong mga taong makatulong sa magkaibigan na ito upang mas magkaroon sila ng magandang kinabukasan at nang magkasama pa silang dalawa nang matagal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media