Connect with us

Viral

Ina, nakatanggap ng 1 milyong mula sa kaniyang mga anak bilang regalo para sa kaniyang kaarawan!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay talagang nagdiriwang ng mga espesyal na okasyon kahit munting salo-salo lamang. Hindi natin hinahayaang walang laman ang ating hapag-kainan lalo na kung espesyal talaga ang araw na dapat ipagdiwang.

Ilan sa mga okasyon at selebrasyon na hindi natin pinalalampas ay ang kasal, binyag, graduation, Pasko, Bagong Taon, kaarawan at marami pang iba. Napakasaya naman kasi talagang ipagdiwang ang mga okasyon na ito kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Kaniya-kaniya na rin tayo ng diskarte at pamamaraan kung paano magiging mas espesyal ang bawat selebrasyon na ito lalo na ngayong nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang mapanuod ang video na ito ng isang pamilya na sinosorpresa ang kanilang ina.


Makikita at maririnig sa video na pinapapili ng anak ang kaniyang ina kung gusto nito ng Php100,000 o Package. Hawak na ng anak ang pera ngunit ninais ng kaniyang ina na sumilip muna sa tinutukoy nitong package.

Bandang huli, sinabi ng anak sa kaniyang ina na maaari na rin niyang dalhin ang Php100,000 sa pagsilip ng Package na para sa kaniya. Hindi makapaniwala ang ina na reregaluhan siya ng Php1,000,000 ng kaniyang mga anak para sa kaniyang kaarawan.

Talaga namang napuno ng palakpakan at hiyawan ang kanilang tahanan nang maipakita na ang napakagandang sorpresa na ito sa kanilang ina. Marami din namang mga netizens ang napa-sana all na lang sa naturang video dahil maging sila ay gusto rin na makatanggap ng ganitong regalo ngunit wala naman silang kakayanan na makapagbigay ng ganito kalaking halaga ng salapi.

Marami din naman ang pumuri sa mga anak dahil sa ipinamalas nilang pagmamahal at pagkilala sa kanilang ina. Napakasarap sa pakiramdam bilang isang magulang na makatanggap ng ganitong klase ng sorpresa at pagmamahal sa kaniyang mga anak.

Saan kaya ilalaan ng ina ang kaniyang napakalaking regalo?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media