Connect with us

Viral

Mga guro sa Sarangani buwis-buhay ang pagpunta sa paaralan para lamang makapagturo!

Published

on

Ang pagtuturo ang pinakadakila at pinakamarangal na propesyon sa mundo. Maaaring sa paningin ng iilan ay madali lamang ang kanilang trabaho dahil sa nagtuturo lang naman sila sa mga bata ngunit lingid sa kaalaman ng publiko ay marami silang kinakailangang isakripisyo para sa kanilang pangarap na propesyon.

Nakakalungkot lamang isipin na hindi sila nabibigyang halaga sa ating bayan kung kaya naman marami sa kanila ang nagtutungo na lamang sa ibang upang doon na lamang magturo. Mas malaki kasi ang sweldo at mas marami rin ang mga benepisyo.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publik ang post ni Michelle Buquiran-Miguel na mula sa Sarangani. Makikita kasi sa mga larawang ito ang mahirap na kalagayan ngayon ng mga guro sa kanilang lugar.

Napakatarik at napakaputik ng kailangan nilang daanan sa unang araw ng kanilang balik-eskwela. Mapanganib ang daan na ito lalo na kung umuulan sa kanilang lugar.


Ngunit sa kabila ng peligrong ito ay may mga ngiti pa rin sa mga labi ng mga guro na ito dahil sa mahal talaga nila ang kanilang ginagawa. Kasama din naman ni Michelle ang iba pang mga guro na sina Cryslyn Baltonado, Han Pellazar, Nicola Suazo, at Vincent Miguel.

Umani ng maraming mga papuri at positibong komento ang post na ito dahil pinapakita lamang ng mga gurong ito na hindi magiging hadlang ang ano mang bagay upang gawin nila ang kanilang tungkulin na magturo sa mga kabataan. Tunay nga na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan na pinahayag mismo ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ngunit huwag sana nating kaligtaan ang mga guro na siyang naglilinang at humahasa sa kakayahan ng mga kabataang ito.

Sana ay mabigyan rin ng atensyon at pagkilala ang ating mga guro hindi lamang sa kamaynilaan kundi lalo na ang mga guro sa mga liblib na lugar. Sa pamamaraang ito ay tiyak na mas mararamdaman nilang mahalaga sila sa ating bayan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media