Connect with us

Viral

Isang ama na nagtitinda ng mais sa kalsada, dala-dala ang isang buwang gulang niyang sanggol matapos silang iwanan ng kaniyang asawa!

Published

on

Talaga namang napakarami nang naapektuhan ng pandemyang patuloy na kumakalat sa Pilipinas at sa buong mundo. Nakakalungkot isipin dahil sa maraming mga negosyo ang kinailangang magsara at hindi mabilang na mga manggagawa ang nawalan ng kanilanga mga trabaho.

Maraming mga pamilya ang talagang nahihirapan sa ngayon. Ngunit sa kabila ng mahirap na sitwasyon ng marami sa atin ay tila mas mabigat ang dalahin ng tindero ng mais na ito.

Labag man sa kaniyang kalooban ay wala siyang magawa kundi dalhin na lamang ang kaniyang isang buwang gulang na anak sa lansangan kung saan siya nagtitinda. Iniwan na kasi sila ng ina ng kaniyang anak kung kaya naman wala na siyang mapag-iiwanan pa ng kanilang sanggol.

Hindi niya maaaring iwanan mag-isa ang kaniyang anak sa kanilang bahay kung kaya naman talagang tangan-tangan niya ito habang siya ay nagtitinda. Namataan sila ng Task Force Member na si Cristina Magpuyo Birao sa ganitong kalagayan.

Photo credit: Cristina Magpuyo Birao Facebook

Gusto man niyang pagbawalan ang lalaki na magtinda lalo na at mayroon siyang kasamang sanggol ay hindi rin niya magawa dahil sa kailangan din talagang kumita ng ama para sa pambili ng gatas at iba pang pangangailangan ang sanggol. Dahil dito ay minabuti na rin ni Cristina na bumili ng mais at abutan siya ang kaunting tulong.

Ipinaalala din ni Cristina na dapat sundin pa rin ng lalaki ang mga protocols upang hindi siya mahawa at hindi rin sila makahawa lalo na para sa kaniyang anak. Tunay nga na napakahirap ng ganitong sitwasyon na kahit pa nalulungkot ang iyong puso sa masakit na pangyayaring naranasan ay wala kang ibang maaaring gawin kundi ang bumangon agad at sumabak sa maraming hamon ng buhay.

Sana ay mayroong mabubuting loob na tumulong sa mag-ama kahit na munting pangkabuhayan lamang na hindi na nila kakailangang lumabas pa ng kanilang tahanan upang kumita at magtrabaho.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media