Connect with us

Viral

Amerikano at Pinay na nagkilala noon dahil sa “Samaritan’s Purse Christmas Box”, masaya nang namumuhay ngayon sa Amerika kasama ang kanilang anak!

Published

on

Mayroon tayong natatangi at paboritong “lovestory”. Madalas ay ito mismo ang kwento ng ating buhay pag-ibig. Ngunit sa kabila nito, marami pa rin sa atin ang talagang namamangha sa kwento ng pag-ibig ng ibang tao tulad na lamang ng isang Amerikano at Pilipina na ito.

Noong bata pa si Tyrel Wolfe ay isa siya sa mga naghahanda ng “Samaritan’s Purse Christmas Box” na ipapamahagi sa mga batang mahihirap sa iba’t-ibang bansa sa mundo tulad na lamang sa Pilipinas. Ang batang nakatanggap nito mula kay Tyrel ay walang iba kundi si Joana Marchan.

Labis ang kagalakan ni Joana dahil sa mga natanggap niya kung kaya naman pinadalhan niya ng sulat si Tyrel ngunit wala na siyang natanggap na sagot nito. Ilang taon pa ang nakalipas at nahanap ni Joana si Tyrel sa Facebook.

Nagsend man siya ng friend request dito ay hindi naman niya siya nito agad na inaprubahan. Sinong mag-aakala na pagkatapos ng 14 na taon ay magkakamabutihan sila at magpapakasal pa?

Mula nang maisapubliko ang nakakakilig nilang kwento ay maraming mga programa na ang nag-imbitada sa kanila. Makalipas pa ang ilang taon ay marami sa atin ang nagtatanong kung nasaan na nga ba sila?

Ano na kaya ang estado ng kanilang relasyon sa ngayon? Lingid sa kaalaman ng publiko ay masaya pa ring magkasama ang mag-asawang Tyrel at Joana.

Taong 2017 nang isilang ni Joana ang kanilang panganay na anak na si Harlann Jun Wolfe. Mayroon din silang sarili nilang social media account kung saan makikita ang mga naging paglibot nila sa Amerika at paghahanap ng masasarap na mga kainan.

Mayroon silang bahay at bukirin ngunit pinili na lamang nilang manirahan sa isang RV trailer. Tunay nga na napakaraming magagandang nangyayari sa ating paligid na madalas ay hindi natin na napapansin.

Magugulat na lamang tayo na nasa harap na pala natin ang isa sa pinakamagandang biyaya para sa atin ng Diyos.

Source: Rachfeed


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media