Connect with us

Viral

Batang lalaki na naghandog ng ani nilang kamote sa isang community pantry nakatanggap ng “full scholarship”!

Published

on

Hindi na bago ang kwento ng kahirapan sa bansa. Talaga namang talamak na ang kahirapan sa atin at wala na yata tayong pag-asa upang makaahon pa sa problemang ito.

Photo credit: John Christoper Lara Facebook

Hindi lamang pandemya ang ating problema sa ngayon kundi maging ang talamak na krimen at korapsyon sa bansa. Ngunit sa kabila pala ng kahirapan ay mayroon pa rin tayong makikitang kabutihan sa puso ng batang ito na hindi nagdalawang-isip na ipamahagi ang bagay na tanging mayroon ang kaniyang pamilya.

Photo credit: John Christoper Lara Facebook

Isang batang lalaki kasi ang hinahangaan ngayon sa social media matapos siyang mamataang nagdadala ng bagong ani nilang kamote para sa isang community pantry. Si John Christoper Lara ang siyang nagbahagi ng kwento ng batang si Don Don Sigmayon o mas kilala sa kanilang lugar bilang si Ornelo.

Siya ay mula sa tribong Mangyan. Nakatira ang buo niyang pamilya sa isang barong-barong ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi siya makapagbigay tulong sa katulad niyang nangangailangan.

Photo credit: John Christoper Lara Facebook

Sa isang community pantry kasi sa kanilang lugar ay talagang ninais niya ring makatulong sa abot ng kaniyang makakaya. Agad niyang tinanong ang kaniyang ina kung maaari ba niyang dalhin ang inani nilang kamote sa kanilang bakuran.

Photo credit: John Christoper Lara Facebook

Sumang-ayon din naman kaagad ang kaniyang ina at dali-daling nagtungo si Ornelo sa naturang community pantry. Nakita ng mga organizers ang bata at labis silang natuwa sa kaniyang ginawa.

Dahil dito ay nagkasundo silang lahat at napagdesisyunan na pag-aralin ang bata mula elementarya hanggang kolehiyo. Walang pagsidlan ng kaligayahan si Ornelo at ang buo niyang pamilya sa napakagandang biyaya na ito na kanilang natanggap.

Photo credit: John Christoper Lara Facebook

Tunay nga na kahit gaano man kahirap ang buhay ay marami pa ring mga tao ang nagnanais na tumulong sa kanilang kapwa sa simpleng pamaraan na kaya nila. Tulad na lamang ng batang si Ornelo.

Sinong mag-aakala na ang kaniyang kabaitan pala ang magiging susi upang magkaroon siya ng mas magandang kinabukasan?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media