Connect with us

Viral

Isang vendor, napagtapos ang anim niyang mga anak dahil sa pagtitinda! 4 ang nakagraduate ng kolehiyo habang 2 naman ang sa vocational course!

Published

on

Kayang-kaya gawin ng mga magulang ang lahat para lamang sa kanilang mga anak. Sabi nga ng mga matatanda, kung noong binata at dalaga tayo ay puro sarili na lamang natin ang ating iniisip, nag-iiba ito sa oras na tayo ay magkaroon na ng anak o mga anak.

Mas nagkakaroon kasi tayo ng pagnanais na ibigay sa ating mga anak ang mga bagay na kinakailangan nila upang sila ay mabuhay ng malusog at masaya. Upang sila rin ay magtagumpay sa buhay ay hindi rin tumitigil ang mga magulang sa pagtatrabaho ng maigi upang masuportahan ang edukasyon ng kanilang mga anak.

Isang napakagandang halimbawa na rito ang madiskarteng vendor na si Geronimo Tolibas Sr. Sa edad niyang 57 taong gulang ay nagawa niyang tustusan ang kaniyang anim na mga anak sa kanilang pag-aaral.

Apat sa kaniyang mga anak ang nakapagtapos ng kolehiyo habang ang dalawa naman ay nakapagtapos ng vocational course. Siya ay nakatira sa Caloocan at 15 taon na siyang nagtitinda ng mani sa isang terminal ng bus.


Ito ang naging trabaho niya at pinagkukuhanan niya ng pera para pang-suporta sa kaniyang pamilya. Hindi lamang pala ito ang kaniyang trabaho dahil sa nagtitinda din siya ng banana cue, kamote cue, siopao, at cake sa kalsada.

Maging ang mga “scrunchies” o panali sa buhok ay talagang hindi rin niya pinalampas na itinda. Sa naging panayam sa k aniya ng programang PTV4 na “Rise and Shine Pilipinas” ay inamin niyang nagpadyak din siya noon at nagtrabaho bilang isang construction worker”.

Buong puso niya ring ibinahagi na ang kaniyang panganay na anak ay tapos ng TESDA at mayroon nang munting tahian ngayon. Ang ikalawa niyang anak naman ay tapos ng “Education” at nagtuturo na ngayon sa “Maypajo Elementary School”.

Ang ikatlo niyang anak na graduate ng Psychology ay head na ngayon ng “Human Resources department” ng isang kumpanya sa Tondo. “Political Science” naman ang napagtapusang kurso ng ikaapat niyang anak na isa na ring empleyado ng City Hall sa Caloocan.

TESDA Housekeeping ang kaniyang ikalimang anak at sa opisina naman nagtatrabaho ang bunso niyang anak na graduate ng “Accountancy”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media