Connect with us

Viral

Isang OFW noon at graduate ng Architecture, palaboy-laboy na lang ngayon matapos iwanan ng sarili niyang pamilya dahil wala na siyang maibigay na pera!

Published

on

Hindi madali ang buhay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW). Kung marami sa atin ang nag-aakala na masarap ang buhay nila at marami silang pera sa ibang bansa, tiyak na maraming mga OFW ang hindi sasang-ayon dito.

Ilang mga OFW na noon ang nagbabahagi ng mahirap ilang mga karanasan sa ibang bansa kung saan madalas ay nararanasan nila ang diskriminasyon, sobrang pagod at gutom, maging ang pagmamaltrato ng kanilang mga amo at giyera ay talagang tinitiis nila makapagpadala lamang sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.

Isa na marahil si Kuya Ramon sa mga OFW na nagkaroon ng masalimuot na karanasan hindi sa ibang bansa kundi dito mismo sa ating bayan. Nang minsang makapanayam kasi siya ng netizen na nakilala sa pangalang Aileen ay naikwento nitong inabandona na siya ng kaniyang pamilya dahil wala na siyang pera.


Sa 21 taon niyang pagiging OFW sa Saudi Arabia ay wala siyang ibang ginawa kundi suportahan ang pag-aaral ng kaniyang mga pamangkin. Dahil sa nagkaroon siya ng karamdaman sa ibang bansa ay kinailangan na niyang umuwi ng Pilipinas.

Nang dumating siya sa bansa ay laking gulat niya na wala man lang nagnais na kupkupin siya. Kahit pa nga siya mismo ang tumulong ng buong puso sa kaniyang mga kaanak. Nang wala na siyang maibigay na pera sa kanila ay wala nang nagnais pang kumustahin siya. Sa ngayon ay palaboy-laboy na lamang siya sa parke sa Luneta, walang matutuluyang bahay at wala ring pera na pambili lamang ng kaniyang makakain. Kahit pa nga noon ay ilang dekada din siyang nagtrabaho sa ibang bansa, nakapagtapos bilang isang arkitekto, at tumulong sa pamilya, ngayon ay wala na ni isang nais na tumulong sa mahirap niyang kalagayan.

Kung sana ay natuto rin siyang magtabi para sa kaniyang kinabukasan o para sa kaniyang pagreretiro, hindi sana siya mahihirapan ng ganito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media