Connect with us

Viral

Manikang nakatayo sa gitna ng madilim na daan na nakita ng isang netizen, talaga namang nagdulot ng katatakutan sa marami!

Published

on

Kung misteryo at kababalaghan lang naman ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang maraming mga Pilipino. Marami din tayong mga kwento ng lagim at katatakutan na madalas pa nga ay kapwa natin mga Pilipino ang nakaranas.

Ilan na marahil sa mga kwentong ito ay ang nakakapanindig balahibo na kwento ng mga multo o mga kaluluwang hindi matahimik na madalas ay nagpaparamdam pa sa mundo ng mga buhay. Marami din naman ang mga taong naniniwala sa mga nilalang tulad ng duwende, kapre, aswang, tiktik at tiyanak.

Bawat probinsiya sa ating bayan ay mayroon pang kaniya-kaniyang tawag sa mga ito na talaga namang kinatatakutan ng marami sa atin hanggang sa ngayon. Kamakailan lamang marami ang kinilabutan at nabahala dahil sa isang manika na ito na aakalain mong isang tiyanak o isang bata sa gitna ng isang masukal, madilim at tila liblib na lugar.


Ayon sa social media post ng netizen na si Jake Sparrow ay muntik na siyang bumuwal sa takot nang makita ang manikang ito habang siya ay pauwi sa kanilang tahanan. Kahit pa nga natuklasan niya kaagad na “prank” lamang ito ay hindi pa rin niya maiwasang kilabutan lalo na sa panahon ngayon na wala nang pinipiling lugar ang mga kababalaghang tulad nito.

Marami din naman ang mga netizens na kaagad na nagbigay ng kanilang mga reaksyon at opinyon tungkol sa post na ito. Kahit naman daw sila ang nasa kalagayan ng netizen ay tiyak na magtatatakbo din sila sa matinding takot.

Mayroon din namang iilan na nagbahagi rin ng kanilang mga sariling karanasan na talaga namang magpapatayo rin ng iyong balahibo kahit sabihin mo pang kailan man ay hindi ka nakaranas ng ganitong klase ng misteryo sa iyong buhay. Nagsilbi rin naman itong aral para sa iilan na kung maaari ay huwag nang magpaabot ng dilim sa daan dahil maliban sa katotohanan na talagang nakakatakot na sa labas sa mga oras na ito, marami ring kapahamakan o disgrasya ang maaaring mangyari sa iyo.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media