Connect with us

Viral

Isang “Good Samaritan” ang nagsoli ng susi ng napulot niyang sasakyan sa may-ari nito na labis na nagpasalamat sa kaniyang ginawa!

Published

on

Napakaraming mga pagsubok at problema ang araw-araw nating kinahaharap. Madalas nga ay hindi na natin mabilang pa ang mga ito kung kaya naman ang tanging paraan na lamang na maaari nating pagpilian ay harapin ito o di kaya naman ay sumuko na lamang sa buhay.

Ngunit kahit pala gaano kahirap ang dinaranas nating mga pagsubok sa panahon ngayon, mayroon pa ring mga tao na patuloy na gumagawa ng mabuti sa kanilang kapwa. Tulad na lamang ng isang mabuting samaritano na ito na hindi na nagpakilala pa.

Agad kasi niyang isinauli ang napulot niyang susi ng kotse sa may-ari nito. Ayon sa pagkukwento ng netizen na si Ces Bagunu mula sa Calamba, Laguna na siyang may-ari ng naturang sasakyan, bandang alas-otso ng umaga nang malaglag ang susi ng kaniyang kotse.


Bandang alas-dos na ng hapon niya napagtanto na wala na nga ang kaniyang susi. Wala ring sinuman ang nag-report na mayroon silang napulot na susi sa kanilang lugar.

Agad agad na niyang pinuntahan ang kaniyang sasakyan kung naroroon pa at parang nabunutan siya ng malaking tinik sa kaniyang dibdib ng makita niya ang kaniyang sasakyan. Mayroon ding sulat na nakaipit sa windshield ng sasakyan na nagsasabing tawagan siya upang masabi niya kung saan niya inilagay ang susi.

Nang tawagan nila ang lalaki ay sinabi nitong itinago niya ang susi sa isang butas sa gilid ng parking lot na tinakpan naman niya ng maraming dahon upang walang makakita nito. Nais nina Ces na magbigay ng kaunting reward sa lalaki kung kaya naman hiningi niya ang account number nito ngunit ang tanging sagot lamang sa kaniya ng lalaki ay huwag na at sa Diyos na lamang daw sila magpasalamat dahil sa tamang tao ang nakapulot ng kanilang susi.

Masaya na rin daw ang lalaki na mayroon na naman siyang natulungan. Talaga namang nakakamangha at kabilib-bilib ang mga ganitong klase ng tao hindi ba?

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media