Connect with us

Viral

Nanay namahagi ng munting regalo para sa mga kapwa niya pasahero sa eroplano kung sakaling umiyak ng umiyak ang kaniyang anak sa kanilang biyahe!

Published

on

Tayong mga magulang, wala tayong ibang nais para sa ating pamilya at sa ating mga anak kundi ang ikabubuti nila. Nais nating maging malusog sila, ligtas at maging masaya sa araw-araw.

Hindi natin gusto na sila ay masaktan at mahirapan. Aminin man natin o hindi, kailangan din talaga nilang maranasan ang mga ito para rin sa kanilang kapakanan.

Ngunit para sa maraming mga ina, gagawin nila ang lahat para sa kanilang anak gaano man ito kahirap at kaimposible. Umani ng paghanga ang ginawang ito ng isang ina para sa kaniyang apat na buwang gulang sanggol.


Ayon sa naging post ng Facebook page na “Momma’s Universe”, mayroong isang netizen na nagbahagi ng larawan ng munting regalo ng mag-ina para sa mga kapwa nila pasahero sa eroplano. Sa 10 oras na biyahe mula Seoul Korea patungong San Francisco ay namahagi ng halos 200 piraso ng “goodie bags” ang nanay na ito na mayroong laman na ilang candies at ear plugs.

Ginawa niya ito upang kahit papaano ay maibsan ang magiging abala nila sa mga kapwa nila pasahero lalo na kung magsimula nang umiyak ang sanggol. Kalakip din nito ang isang liham kung saan makikita ang pangalan ng sanggol.

Siya si Junwoo at sa Estados Unidos ang kanilang destinasyon ng kaniyang ina at lola upang makasama ang kaniyang tita na nakatira roon. Dahil sa ito raw ang unang pagkakataon niyang sumakay ng eroplano ay talagang nakatatakot at kinakabahan siya.

Sisikapin din diumano niyang maging tahimik sa buong biyahe nila ngunit hindi siya nangangakong makakaya niyang hindi mag-ingay. Maraming mga netizens ang talagang namangha sa pamamaraan na ito ng ina kung paano niya ipaalam sa mga kapwa nila pasahero ang kanilang sitwasyon lalo na at marami na ring mga tao sa ngayon ang madalas ay nagagalit sa mga batang sobrang ingay lalo na sa mga mahahabang biyahe.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media