Connect with us

Viral

Isang 45 taong gulang na dating houseboy, nagsumikap sa buhay at nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kaniyang sipag at tiyaga!

Published

on

Edukasyon ang isa sa mga pamanang maiiwanan sa atin ng ating mga magulang sa paglipas ng maraming mga taon. Dahil sa edukasyong ito ay maaari na nilang masigurado ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Sa Pilipinas kasi, talagang kailangan mo munang makapagtapos ng kolehiyo upang makapasok ka sa isang magandang trabaho at kompanya. Hindi na lingid sa kaalaman nating mahirap ang buhay kung kaya naman talagang malaking desisyon at pakikipagsapalaran ang kailangang mapagtagumpayan ng isang indibidwal upang makamit ang pangarap niyang makatapos ng pag-aaral.

Nagsilbing inspirasyon sa publiko ang 45 taong gulang na si Guillermo “Jun” Bello Jr. mula sa Mati, Davao Oriental dahil sa kabila ng napakaraming mga hadlang ay talagang nagpursige siyang makapagtapos ng pag-aaral. Dati siyang nagtrabaho bilang isang “houseboy” at ngayon nga ay nakapagtapos na siya ng kursong Bachelor of Secondary Education in Technology Livelihood Education sa Davao Oriental State College of Science and Technology.

Ayon sa naging kwento ni Jun, taong 1990 pa nang mahinto siya sa pag-aaral, 3rd year high school siya noon nang ma-stroke ang kaniyang ama. Hindi na kaya pang magtrabaho ng kaniyang ama kung kaya naman siya na ang tumulong sa kaniyang pamilya.

Mula noon ay nagtrabaho na siya bilang isang houseboy. Sa edad na 16 taong gulang ay niluwas niya ang Cavite upang humanap ng mapapasukang trabaho.
Naging isa siyang househelper at babysitter sa loob ng 24 na taon. Nito lamang 2015 ay umuwi siya sa Davao Oriental kung saan niya nalaman ang Alternative Learning System at agad siyang nag-enroll dito.

Dahil dito ay nakapasa siya kaagad sa hayskul at maaari nang magkolehiyo. Noong una ay duda pa ang program head ng TLE na tanggapin siya dahil sa kaniyang edad at duda rin itong makakaya niya ang napili niyang kurso.

Binigyan pa rin siya nito ng pagkakataon at sinabing mayroon siyang isang sem upang patunayan ang kaniyang sarili. Mataas naman ang kaniyang mga marka kung kaya naman mas pinagbutihan pa niya. Setyembre 2 ay nagtapos siya bilang Cum Laude at naghahanda na siya ngayon upang maging isang lisensiyadong guro.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media