Connect with us

Viral

Maganda at seksing babae, nagtatrabaho pala bilang isang kargador na ikinagulat ng husto ng publiko!

Avatar

Published

on

Hindi madali ang kumita ng pera ngunit napakadali lang gumastos at magwaldas ng pera lalo na kung hindi mo naman talaga ito pinaghirapan. Sa panahon natin ngayon, lalo na at nararanasan pa rin natin ang pandemyang nagpapahirap sa buong mundo.

Mas nakita natin ang kahalagahan at importansiya ng pagkakaroon ng trabaho gaano man ito kahirap o gaano man kaliit ang maaari nating kitain dito. Kung kaya naman wala na ring pinapalampas na pagkakataon ang marami sa atin upang kumita ng pera para sa kanilang mga pamilya.

Tulad na lamang ng napakagandang babae na ito na mula sa Hong Kong. Aakalain mo bang siya ay isang “full-time” kargador?

Nakakabilib hindi ba? Napansin siya ng maraming mga netizens dahil sa mga viral photos niya online.

Siya ay nakilala bilang si Zhua Qianpei. Sa unang tingin ay aakalain mo pa ngang siya ay isang modelo o di kaya naman ay isang mahusay na aktres.

Siya ay nagtatrabaho sa isang “alley shop” at madalas siyang makikita na nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay roon. Sa mahigit isang dekada niyang pagtatrabaho bilang isang kargador ay masasabi niyang masaya siya sa trabaho niyang ito.

Ito na rin ang nagsisilbing work-out niya sa araw-araw. Hindi man pambabae ang trabahong ito ay talagang nagsusumikap siya ng husto dahil sa malaki talaga ang kita rito.

Halos umaabot ng HKD13,000 hanggang HKD14,000 ito ay katumbas na ng Php86,000 hanggang Php125,000 sa loob lamang ng isang buwan. Sa ngayon ay nagbabalak na rin siyang magpundar ng isang delivery truck dahil sa hindi rin naman daw talaga pangmatagalan ang pagiging kargador niya.

Nais na niyang mag-invest habang maaga upang hindi na siya mamroblema pa sa mga susunod na panahon kung paano siya kikita ng pera para sa sarili niyang pangangailangan at maging pangsuporta para sa kaniyang pamilya. Tunay nga na hindi lamang siya maganda at seksi, madiskarte din siya sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media