Connect with us

Viral

Isang aso na nagsuot ng Christmas sweater sa isang animal shelter, nakatagpo ng pamilyang aampon at magmamahal sa kaniya!

Published

on

Tiyak na marami ang sasang-ayon na ang panahon ng Kapaskuhan ang isa sa pinakamasayang araw lalo na para sa mga bata. Palagi tayong nagdiriwang ng selebrasyon na ito kasama ang ating mga mahal na kaibigan at kapamilya.

Kilala ang ating bansa sa pagkakaroon ng pinakamahabang panahon ng pagdiriwang ng Pasko. Madalas na ipinagdiriwang natin ito sa pamamagitan ng mga party, bakasyon, o di kaya naman ay oras kasama ang ating pamilya.

Hindi rin nawawala ang magaganda at makikinang na mga palamuti tulad ng mga parol, Christmas lights at marami pang iba. Maging ang ilang mga pagkain na talagang inaabangan natin ay mabibili lamang sa panahon na ito.

Marami sa atin ang talagang nagagalak sa pagsapit ng panahong ito. Ngunit sa kasamaang-palad mayroon din namang ilang mga taong ayaw na ayaw ang ganitong pagdiriwang.

Marahil isa na rin dito ang isang aso sa shelter na nagngangalang Bobby. Tulad kasi ng dati ay wala pa rin siyang makakasama na pamilya sa panahon na ito.

Kung nakapagsasalita lamang ito, tiyak na sasabihin niyang wala siyang ibang nais kundi ang magkaroon ng pamilyang makakasama lalo na sa mga panahong ito. Sa Miami Dade Animals Service center kung saan naghihintay si Bobby ng pamilyang mag-aampon sa kaniya ay hindi na maipinta pa ang kaniyang mukha dahil sa sobrang kalungkutan.


Dahil dito ay sinuotan nila siya ng kulay berdeng sweater. Dahilan upang kuhanan siya ng larawan ng ilang mga staff roon at maibahagi ang ilang larawan niya online.

Ilang araw pa ang nakalipas at wala pa ring kahit isa na nagpapadala sa kanila ng mensahe upang ampunin si Bobby. Sa mga oras na iyon ay talagang nawawalan na sila ng pag-asa.

Hanggang hindi nagtagal ay mayroong isang pamilyang bumisita sa animal shelter at sinabing interesado silang ampunin si Bobby. Sa wakas ay magkakaroon na siya ng bagong pamilya at hindi na muling mag-iisa pa.

Malaki rin talaga ang nagagawang tulong ng social media lalo na sa mga panahon ngayon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.