Connect with us

Viral

Isang babae ang hirap na hirap huminga sa tuwing siya ay natutulog sa gabi, ito pala ang dahilan kung bakit!

Published

on

Marahil marami sa ating mga Pilipino ang hindi naniniwala sa multo. Sabi nga ng mga nakatatanda “To see is to believe.”

Kung makikita mismo ng ating mga mata ang mga ito ay tiyak na madali na para sa atin ang maniwala. Ngunit hindi naman lahat tayo ay nakakaramdam o nakakakita ng mga bagay na mahirap ipaliwanag.

Tiyak na mahirap at nakakatakot ito para sa marami. Ngunit para sa isang pet owner na ito, marahil ay hindi niya lubos maisip kung matatakot ba siya o matatawa na lamang.


Kamakailan lamang kasi ay naging popular sa social media ang video at ilang mga larawan ng babae at ng kaniyang aso. Tulog na tulog ang babae sa naturang video.

Ilang araw na din daw siyang nakakaramdam ng mabigat na pakiramdam, naninikip daw ang kaniyang dibdib na para bang may nakadagan sa kaniya. Noong una ay takot na takot pa nga ang babae dahil inakala nitong may masamang espiritu na sa loob ng kaniyang kwarto.

Buti na lamang at nakita niya ang CCTV footage sa kaniyang silid kung saan ilang beses niyang nakita na inupuan at dinaganan siya ng kaniyang alaga. Malaking tulong sa kaniya ang CCTV footage dahil makikita roon ang pinaggagagawang ito ng kaniyang alaga sa tuwing sasapit na ang gabi.


Marami din namang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mga reaksyon at komento patungkol sa nanghari. Sana nga ay marami pa ang makapanuod nito upang mapatunayan natin kung pare-pareho ang ugali ng kanilang mga alagang hayop.

Dahil kaya lang naman ito nagawa ng asong nasa video ay nais niyang proteksyunan ang kaniyang amo. Para naman sa mga amo at tagapag-alaga ng mga hayop, hindi natin batid ang pagmamahal sa atin ng ating mga alaga.

Dahil sa gitna ng kapahamakan ay tiyak na poprotektahan nila tayo sa abot ng kanilang makakaya – kapalit man nito ay kanilang buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.