Connect with us

Viral

Cute na mga aso na nag-withdraw ng pera sa bangko, kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Aminin man natin o hindi, kapansin-pansin na sa ngayon ang dami ng mga taong nag-aalaga ng mga hayop. Pusa man o aso at marami pang iba, talagang marami na ang nagkakainteres na mag-alaga ng mga cute at minsan pa nga ay exotic na mga hayop.

Madalas pa nga ay nakakakita tayo ng mga hayop sa mga mall at iba pang pampublikong lugar kung saan nakasakay pa sila sa mga strollers o di kaya naman ay nakasuot ng diaper. Maaari marami nang mga lugar ngayon ang nagpapahintulot na papasukin ang mga alaga nating hayop ngunit mas marami pa din ang hindi ito pinapayagan.

Para naman sa ilang mga establisyemento, pinapayagan naman nila ang mga hayop na ito kung sila ay mga “service animals”. Kamakailan lamang, kinagiliwan ng publiko ang post na ito ng netizen at fur mom na si Candy Mojica.

Sa kaniyang post ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan ng dalawang aso niya. Agad na napansin ng mga netizens ang bangko kung saan sila nagpunta at kung saan pinahintulutang pumasok ang kaniyang mga alagang aso.

Ito ay ang East West bank na umani ng maraming papuri mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanila:

“If this is the way the EWB guys treat dogs, you know how good they are in treating clients,” Komento ng isang netizen.

“Pa update po kung naka withdraw yung itim na aso parang di kita ng teller,” Turan naman ng isa pa.

Tunay ngang nakamamangha na makakita ng mga ganitong klase ng pagtrato sa mga hayop. Sa panahon natin ngayon na marami na tayong naririnig at nababalitaan na pang-aabuso sa mga hayop, nawa ay magsilbing paalala at inspirasyon ito para sa ating lahat.

Kahit pa hayop lamang sila ay mayroon din naman silang mga nararamdaman katulad nating mga tao na sana ay magawa nating irespeto at ikonsidera.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.