Connect with us

Viral

Isang street janitor ang nilapitan ng aso na ito, umiiyak at tila ba nais nang magpaampon sa kaniya!

Published

on

Isang street cleaner at kaibigan nito ang nagdesisyon na magtungo sa Mount Zheduo sa Ganzi Prefecture upang magtrabaho. Nang matapos ang kanilang trabaho roon ay nagmaneho na sila ng sasakyan papauwi.

Maya-maya pa ay mayroon silang nakita na isang itim na bagay na tila ba gumagalaw at papalapit ito sa kanila. Nang nakalapit na ang sasakyan nila sa bundok ay doon nila nakitang ito pala ay isang aso na itim at hindi basta isang bagay lamang na gumagalaw.

Ilang araw na ring umuulan sa lugar kung kaya naman talagang napansin nilang basa ang kawawang aso. Nang mapansin naman ng aso ang kanilang sasakyan ay agad naman itong nagtungo papalapit sa kanilang kinaroroonan.

Hindi naman natakot ang babaeng janitor na buksan ang kaniyang bintana upang makita ang kalagayan ng aso. Samantala, ang asong itim naman ay agad na sumampa sa bandang bintana ng kanilang sasakyan.

Makikita sa kaniyang mga mata ang labis na takot at pangamba na baka siya ay maiwana na namang mag-isa. Naging palaisipan sa magkaibigan ang dog collar na nasa leeg ng aso.

Natitiyak nila na siya ay isang pet dog ngunit bakit siya naroroon sa isang lugar kung saan wala naman masyadong taong dumaraan? Nang buksan naman ng babae ang pinto ng kanilang sasakyan ay agad na lumapit ang aso sa kaniya at inilagay ang ulo nito sa kaniyang mga hita na tila ba nangungusap kung maaaring isama na niya siya sa kanilang pag-alis.


Dahil sa labis na awa na naramdaman ng magkaibigan sa kawawang aso ay hindi na sila nagdalawang-isip pang siya ay ampunin. Dahil hindi pa tapos ang kanilang trabaho sa lugar ay hinayaan na muna nilang mamahinga ang aso sa isang lugar.

Natuklasan din nilang lalaki pala ang asong ito at sadyang matalino dahil kaya nitong sumunod sa mga simpleng utos tulad na lamag halimbawa ng pag-upo at “handshake”. Dinala din nila siya sa isang beterinaryo upang masigurong maayos ang kaniyang kalusugan.

Mula noon ay ang babaeng janitor na ang nag-alaga sa kaniya at hindi na mapaghiwalay pa ang dalawa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.