Connect with us

Viral

Isang netizen, ibinahagi ang kuhang video kung saan dinumog siya ng ilang mga kuting na tila nais magpa-ampon sa kaniya!

Published

on

Marami ang natuwa sa video na ito ng isang netizen. Makikita kasi sa naturang video ang isang kuting na kulay itim, papalapit ito sa kumukuha ng video.

Maya-maya pa ay kinuha na ito ng lalaki sa video na marahil ay balak na niya yatang ampunin dahil nag-iisa lamang ito. Hindi nagtagal, matapos niyang kuhanin ang isang kuting ay bigla na lamang naglabasan ang ilan pang mga kuting na tila ba ay nagpapaampon din sa kaniya.

Hindi lamang ito isa, dalawa, tatlo, kundi halos sampung kuting ang lumapit pa sa kaniya. Maraming mga netizens ang nagkomento na sadyang malakas ang loob ng naunang kuting dahil sa ito ang unang lumabas upang masigurado na mabuting tao ang makakakita sa kanilang magkakapatid.

Napakahusay, di ba? Nakakalungkot isipin na marami pa rin pala sa atin ang nagtatapon at nag-aambandona ng mga kawawang hayop na ito.

Kahit na ano pa ang kanilang rason, hindi wastong iwanan na lamang nila ang mga hayop nilang ito sa tabing-kalsada o sa isang bakanteng lote. Tiyak na mahihirapan silang mamuhay lalo na at walang nangangalaga sa kanila.

Wala na ring ina ang mga kuting na nasa video na ito kung kaya naman minabuti na lamang ng lalaki na kuhanin silang lahat. Medyo nahirapan din siya at ang kaniyang kasama na ipasok ang mga makukulit na kuting sa kanilang sasakyan.


Hindi man niya kayang buhayin lahat ng mga kuting na ito ay tiyak na mayroon pang ibang tao na makakatulong sa kaniya at mag-aampon sa mga ito. Sana ay mas marami pang mga tao tulad niya ang tumulong sa mga kawawang hayop na basta-basta na lamang inaabandona ng kanilang mga amo.

Sana ay hindi natin malimutan na ang mga hayop na ito ay mayroon ding buhay. Nakakaramdam din sila ng mga emosyon na nararamdaman nating mga tao kung kaya naman sana ay mas ingatan natin sila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.