Connect with us

Viral

Isang mahiyain na pusa ang biglang nagiging masigla sa tuwing darating ang “window cleaners” sa kanilang lugar!

Published

on

Ating kilalanin ang dalawang taong gulang na pusa na si Guinness. Likas raw na mahiyain si Guinness noon pa man ayon sa kaniyang mga amo. Ngunit kada sampung linggo o sa loob ng dalawang buwan at kalahati ay nagiging makulit ito.

Ayon sa naging pagbabahagi ng kaniyang amo na si Rina Takei, 35, kada sampung linggo ang pagdating ng mga “window cleaners” sa kanilang apartment. Mula raw nang maliit pa itong si Guinness ay napapansin na nila ang pagiging aktibo nito sa tuwing naglilinis na ang mga “window cleaners” na ito.

“The window cleaners come about every ten weeks and Guinness can always detect their coming and will patiently sit by the window looking and waiting.” Pahayag ni Rina.

“Guinness is a very shy boy, he doesn’t seem to like tall men and if they come into our house he will run away and hide.” Dagdag pa niya.

Ayon pa kay Rina, hindi raw nila lubos akalain ng kaniyang mister na magiging bahagi pala ng kanilang buhay ang mga London window cleaners na ito tatlong taon na ang nakararaan buhat nang sila ay lumipat dito. Kasama ni Guinness sa kanilang tahanan ang kaniyang kaibigang pusa na si Pimms na walang isang taong gulang.


Kabaligtaran naman siya ni Guinness dahil napakakulit at palakaibigan talaga ito.

“My other cat, Pimms, is a very naughty and friendly ginger and is not even a year old yet. Guinness is a bit of a spoilt child with a very gentle temperament and is a little shy boy until the window cleaners come.” Kwento pa ni Rina.

Talagang napukaw ni Guinness ang atensyon ng publiko. Marami ang tuwang-tuwa sa pagiging simple nito at pagiging masigla lalo na sa tuwing naririyan na ang kaniyang masisipag na mga kaibigang “window cleaner”.

Simple man itong maituturing ngunit tiyak na mahalagang bagay ito para kay Guinness.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.