Connect with us

Viral

Isang matiyagang ama na kumakarga sa kaniyang anak papuntang ospital mapagamot lamang ito labis na umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Marahil ay madalas na nating marinig ang mga katagang “Kayang tiisin ng isang anak ang kaniyang magulang ngunit hindi kayang tiisin ng magulang ang kaniyang anak!” Simpleng mga kataga lamang ito ngunit napakabigat ang kahulugan para sa marami sa atin.

Credit: GMA Public Affairs / Facebook

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento ng isang dakilang ama na ito na hindi alintana ang hirap at pagod, madala lamang ang kaniyang anak sa pagamutan. Siya ay walang iba kundi si Tatay Rolando Niangar.

Mayroong special needs at differently-abled ang kaniyang anak na si Jewelyn, 18 taong gulang. Kailangan nilang regular na magtungo sa ospital para sa therapy nito kung kaya naman mula Bulacan ay matiyaga siyang kinakarga ng kaniyang ama patungong Quezon City.

Credit: GMA Public Affairs / Facebook

Hindi sila maaaring pumalya kung kaya naman talagang tinayaga ito ni Tatay Rolando. Sila lamang ni Jewelyn ang magkasama patungong ospital dahil sa mayroong trabaho sa Cavite ang kaniyang asawa.

Sa kinikita nitong Php3,000 ay pinagkakasya nila ang lahat ng kanilang gastusin magmula sa mga gamot, pamasahe at therapy ni Jewelyn hanggang sa kanilang pangkain sa araw-araw. Aminado naman si Tatay Rolando na kulang na kulang ito dahil therapy pa lang ng anak ay umaabot na ng Php4,600. Kada turok din ng gamot kay Jewelyn ay nasa halagang Php125,000 na.

Humihiling naman ng tulong sa publiko ang pamilya ni Tatay Rolando dahil sa mahal talaga ang gamot ng anak niya upang maiwasan ang paninigas ng kaniyang katawan. Pagkatapos ng pagpunta nila sa ospital ay nagtatrabaho pa siya bilang balut vendor sa gabi upang mayroon silang pandagdag sa kanilang panggastos.

Credit: GMA Public Affairs / Facebook

Hindi alintana ang ano mang pagod at hirap para lamang sa kaniyang anak. Maraming mga netizens ang naawa at talagang naantig sa kwento nilang ito kung kaya naman kahit papaano ay tiyak na mayroon ding makakatulong sa kanilang mahirap na sitwasyon sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media