Connect with us

Viral

Dumpster diver na si Inday Roning, namahagi ng “giveaways” sa kaniyang mga kababayang Pilipino na walang sawang sumusuporta sa kaniyang vlogs!

Published

on

Marami ang humanga sa Pinay dumpster diver na si Inday Roning o si Rona Meloche sa tunay na buhay dahil sa nakakatipid sila ng $1,500 o higit sa Php75,000 sa kanilang gastusin kada buwan dahil sa kaniyang pagda-dumpster diving. Siya ay naninirahan sa Florida, USA kasama ang kaniyang mister na isang Amerikano at isa nilang anak.

Para sa maraming mga Pilipino, ang paninirahan sa Estados Unidos ay talaga namang napakagandang oportunidad upang makaangat sa buhay. Ngunit hindi alintana ni Inday Roning ang sasabihin ng ibang tao sa pangangalap niya ng mga bagay at mga pagkain na maaari pang mapakinabangan.

Sa kaniyang mga vlogs ay makikita kung gaano kadami ang mga gulay at mga prutas na kaniyang nakukuha sa mga supermarket at mga grocery stores doon. Hindi lamang mga pagkain dahil halos lahat ng mga bagay ay maaari mong matagpuan dito kung pagsusumikapan mo lamang maghanap sa basurahan ng mga naturang establisyemento.

Ang mga nakukuha niyang gulay, prutas, karne at iba pang mga pagkain ay kaniyang inihahain sa kaniyang pamilya. Pagbibigay-linaw naman ni Inday Roning, malinis daw lahat ng mga pagkain na kaniyang iniuuwi sa kanilang tahanan.

Sinisigurado daw niyang malayo pa ang “expiration date” ng mga ito at saradong-sarado din ang mga packaging kung kaya naman talagang ligtas itong kainin ng kaniyang pamilya. Para naman sa mga pagkain na nabuksan na ay ginagawa niyang pataba sa kaniyang hardin.

Talaga namang nakakamangha ang pagiging madiskarte at maabilidad niya. Todo-suporta din naman sa kaniya ang kaniyang mister.

Kamakailan lamang ay namahagi siya ng kahon-kahong mga pagkain at mga gamit para sa kaniyang mga masugid na taga-subaybay. Punong-puno ang mga kahon na ito ng mga de-lata, tsokolate, masks, lotion, moisturizers, at marami pang mga gamit na talagang mapapakinabang pa.

Mula daw ito mismo sa kanilang pamilya at mula sa mga nakalap niya sa pagda-dumpster diving. Masayang masaya siyang makatulong sa kaniyang kapwa at makatulong din sa ating kapaligiran at Inang Kalikasan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media