Connect with us

Viral

Money bouquet na nagkakahalaga ng Php100,000 umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko!

Published

on

Marami sa atin ang gustong gusto ng sorpresa lalo na isang relasyon. Hindi lamang sa magkasintahan kundi maging sa mag-asawa.

Sadyang napakasarap sa pakiramdam na mayroong isang taong naglalaan ng oras at panahon upang ikaw ay sorpresahin. Napakaraming paraan upang maiparamdam at masorpresa natin ang ating mga mahal sa buhay.

Sa ngayon, isa sa pinakasikat na paraan ay ang pagbibigay ng mga regalo na mayroong laman na pera sa loob. Halimbawa na lamang ang “money cake” na talagang usong-uso sa ngayon.

Tipikal na cake lamang ito na madalas nating makita sa mga birthday party ngunit ang kaibahan lamang ay mayroon itong laman na paper bills sa loob at kailangang hatakin ng husto upang makuha ang lamang pera nito. Patok na patok din naman ang “money bouquet” sa ngayon kung saan makikita nang tipikal lamang na bouquet ngunit maaaring mayroong kaunting bulaklak at maraming paper bills o di kaya naman ay nakatuping parang bulaklak ang mga paper bills.

Kamakailan lamang ay mayroong isang netizen na nagbahagi ng larawan ng isang lalaki at babae na mayroong money bouquet. Ang money bouquet pala na hawak ng babae ay nagkakahalaga ng Php100,000!

Sinong mag-aakala na ang money bouquet na ito ay mayroong ganoong kalaking halaga ng pera? Ang bouquet na ito ay gawa ng isang gift shop sa Taguig City na limang oras din daw bago natapos.

Hindi magkamayaw ang maraming mga netizens sa pagkokomento at pagbibigay ng kanilang reaksyon sa naturang post. Kaniya-kaniya rin sila ng pagbabahagi ng kanilang mga natanggap na money bouquet habang ang iba naman ay nagbahagi ng iba’t-ibang klase pa ng bouquet, halimbawa na lamang ay ang Ihaw-ihaw bouquet, lechon belly and vegetable bouquet at marami pang iba.

Tunay nga na napakamalikhain ng maraming mga Pilipino ngunit higit sa pagiging malikhain ay nais talaga nating iparamdam sa ating mga mahal sa buhay kung gaano sila kahalaga sa atin sa pamamagitan ng mga sorpresa at mga regalo na ito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.