Connect with us

Viral

Isang pulis ginamit ang sariling pera upang matulungan ang kawawang matanda na hindi napasama sa listahan ng mga mabibigyan ng ayuda!

Published

on

Halos lahat naman tayo ay mayroong kaniya-kaniyang problema at pinagdaraanan. Ngunit mas marami pa rin talaga sa ating mga Pilipino ang pinipiling maging matatag sa gitna ng mga pagsubok na ito.

Sa nagdaang taon at mga buwan ay mas naging hamon sa maraming Pilipino ang panahon ng pandemya. Tulad na lamang ng mahirap na kalagayan ng isang matandang lalaki sa Tarlac na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Inaasahan niyang makakatanggap siya ng tulong pinansiyal mula sa kanilang barangay. Ngunit sa kabila ng mahabang oras na kaniyang paghihintay sa katirikan ng araw, gutom, uhaw at pagod ay sinabihan lamang siyang wala ang kaniyang pangalan sa mga mabibigyan ng ayuda mula sa gobyerno.


Dismayado at talagang nawalan na ang pag-asa ang matanda sa kaniyang pag-uwi. Ngunit hindi niya lubos akalain na tutulungan pala siya ng isang pulis sa katauhan ni Pulis Mark Ramirez.

Napansin niya kasi ang matandang lalaki kung kaya naman nang malaman niya ang nangyari dito ay hindi na siya nagdalawang-isip pang tulungan ito. Gamit ang sarili niyang pera ay namili siya kaagad ng ilang mga pagkain at bigas para sa matanda.

Labis naman ang kasiyahan at pagpapasalamat ng matandang lalaki dahil sa tulong na kaniyang natanggap. Pinuri din ng maraming mga netizens ang ginawang ito ng pulis. Kumalat ang kaniyang mga larawan sa social media kung kaya naman mas marami pang mga netizens ang bumilib sa kaniya.

Nagsilbi rin siyang inspirasyon sa maraming mga Pilipino dahil sa ginawa niyang kabutihan sa matanda. Tunay nga na hindi naman natin kailangang maging mayaman upang makatulong sa iba.

Ang kailangan lamang ay ang pagnanais natin at intensyon na makatulong sa abot ng ating makakaya. Sa gitna ng pandemyang ito, kahit na mahaba pa ang panahon na ating bubunuin ay tiyak na makakaya natin kung magtutulungan ang bawat isa, hindi manlalamang ng iba, at sisikaping maging mabuti may nakatingin man o wala.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media