Connect with us

Viral

Ana Roces, wala pa ring kupas ang angking kagandahan kahit 45 taong gulang na!

Avatar

Published

on

Sa panahon natin ngayon na patuloy pa rin tayong humaharap sa pagsubok ng pandemyang tila ayaw na tayong iwanan, napakahalaga ang pagbibigay natin ng pansin sa ating pangangatawan at kalusugan. Hindi biro ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa sakit na ito.

Photo credit: Ana Roces instagram

Gayundin naman ang mga taong nasawi na at mga taong patuloy na nakikipaglaban dito. Kahit gaano pa tayo kaabala sa araw-araw ay hindi natin dapat balewalain ang ating sarili.

Photo credit: Ana Roces instagram

Hindi lamang mga artista ang dapat mag-alaga ng kanilang kalusugan at pangangatawan kundi maging mga ordinaryong tao rin kahit ano pa ang kasarian o edad. Sa mga kababaihan, napakalaking bagay ang pagkakaroon ng balingkinitang pangangatawan at makinis na kutis.

Photo credit: Ana Roces instagram

Kahit pa may edad na ay talagang hindi pa rin tumitigil ang marami na bigyang-pansin ang kanilang pisikal na anyo. Tulad na lamang halimbawa ng batikang aktres na si Ana Roces o si Marinela Adad-Baterina sa tunay na buhay.

Sinong mag-aakala na siya ay 45 taong gulang na? Una na siyang nakilala bilang isa sa mga magagandang dilag ng “That’s Entertainment”.

Photo credit: Ana Roces instagram

At mula roon ay mas marami pa siyang natanggap ng mga proyekto na siyang naging susi upang mas maging mahusay siya sa larangan na kaniyang kinabibilangan. Sa paglipas ng ilang mga taon ay tila wala namang nagbago sa kaniyang hitsura.

Tunay nga na wala pa ring kupas ang angkin niyang kagandahan. Marami ang hindi nakakaalam na minsan na niyang iniwanan ang show business para sa kaniyang pamilya.

Nag-asawa siya at nabiyayaan sila ng isang anak na babae, si Carmela Montenegro. Ngunit hindi naging matagumpay ang pagsasama nila ng una niyang asawa kung kaya naman nauwi rin ito sa hiwalayan.

Photo credit: Ana Roces instagram

Hindi naman nagtagal at nakilala na rin niya sa wakas ang taong kukumpleto at muling magpapatibok sa kaniyang puso. Walang iba kundi si Trandy Baterina na isang abogado. Nagkaroon din sila ng sarili nilang anak na si Mateo Baterina.

Isa sa pinakapaborito nilang ginagawa bilang isang pamilya ay ang pagbiyahe sa ibang bansa. Madalas din silang magbahagi online ng ilang mga masasayang larawan nila bilang isang pamilya.

Photo credit: Ana Roces instagram

Sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa dahil sa napakalaking biyaya na mula sa Diyos ang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media