Connect with us

Viral

Kusinero sa barko, nakapagpatayo ng isang gasolinahan sa Pinas sa edad na 26 na taong gulang dahil sa kaniyang sipag at tiyaga!

Avatar

Published

on

Isang maling kaugalian na marahil ng maraming mga Pilipino ang pag-iisip na ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibayong-dagay ay kumikita ng limpak limpak na salapi. Lingid sa ating kaalaman ay matinding sipag at tiyaga talaga ang kanilang ginagawa upang makapagpadala at makatulong sa kanilang mga mahal sa buhay.

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) si John Ebreo. Siya ay 26 na taong gulang pa lamang at nagtatrabaho bilang isang kusinero ng barko sa loob ng anim na taon.

Nito lamang Mayo 2020, kahit sa kalagitnaan ng pandemya ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang gasolinahan. Nang umuwi siya sa Pinas at maraming mga Pilipino mula sa iba’t-ibang industriya ang naapektuhan ng pandemya, nagkaroon pa rin siya ng trabaho dahil sa naipatayo niyang negosyo.

Sa tuwing nakabakasyon ang kaniyang mga tauhan ay siya na rin mismo ang nagsisilbing “pump attendant” ng kanilang gasolinahan.

“Mahirap po kasi sa isang seaman kung walang investment sa Pinas lalo na pag nasa bakasyon kasi puro palabas ang pera dahil sa dami ng trainings at requirements na kailangan ayusin. Maganda na ‘yung may income kahit nakabakasyon,” Pahayag niya sa naging panayam sa kaniya ng Kicker Daily News.


Batid niyang hindi habangbuhay ang pagbabarko kung kaya naman sa simula pa lamang ay nag-iimpok na siya ng husto. Naging malaking tulong din sa kaniya ang pagbebenta ng sasakyan ng kaniyang ama upang maipangdagdag sa pagtatayo niya ng gasolinahan.

Nangako siyang papalitan niya ito sa ika-60 kaarawan nito sa 2022. Naging matagumpay ang kaniyang negosyong gasolinahan kung kaya naman napalitan na niya kaagad ang kotse ng kaniyang ama.

Ayon pa kay John ay ibinahagi niya ito sa social media hindi dahil sa nais niyang magyabang sa naging tagumpay niya. Bagkus ay nais niyang maging inspirasyon at hamon sa maraming mga kabataan at mga OFW na kung nakaya niya ay tiyak na makakaya din nilang maging matagumpay sa buhay dahil na rin sa kanilang sipag at tiyaga.

Source: KickerDaily


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media