Connect with us

Viral

Isang lalaki na nagpapanggap na isang “ideal boyfriend” sa kaniyang mga nabibiktimang babae, scammer pala at mayroon nang halos sa Php1 milyong piso na utang!

Avatar

Published

on

“Love is blind.” Marahil para sa maraming mga Pilipino ay simpleng mga kataga lamang ito o “corny” pa nga kung ilarawan ng iba ngunit para sa ibang mga tao ay tunay nila itong naranasan sa isang taong minsan na nilang minahal at pinahalagahan. Halimbawa na lamang ang mga babaeng nabiktima ng lalaki na ito na nakilala sa pangalang Eric.

Sa una ay kukuhanin nito ang loob ng babae, liligawan, magiging nobya at saka niya ito uutangan ng pera na hindi na niya ibabalik pa. Mayroon pa ngang ilang mga larawan ng pakikipag-usap niya sa kaniyang mga nobya at tila ba nanghihingi siya ng “allowance”.

Ilan sa kaniyang mga naging biktima ay nagbahagi ng kanilang mga naging karanasan sa programang “Kapuso Mo, Jessica Sojo”. Hindi na raw babae sa 50 mga kababaihan ang kaniyang naperahan.
Talaga namang nakakapanggalit ang ganitong pamamaraan niya para lamang magkaroon siya ng pera na hindi nama niya pinaghirapan. Ilan sa mga babaeng nabiktima na niya at na-scam ay itinago na lamang sa pangalang Lily, Leslie at Beverly.

Ayon sa pahayag ni Lily, Hunyo 2020 nang magkakilala sila nitong si Eric sa isang dating app. Sa unang date nila ay umutang agad ito ng Php2,000 sa kaniya na agad din naman nitong ibinalik ng kinagabihan.

Mas dumalas pa ang pangungutang ni Eric kalaunan. Umabot na rin sa puntong siya na mismo ang sinisingil ng mga tindera dahil sa nautang ng kaniyang nobyo.

Umabot na sa Php70,000 ang utang sa kaniyang ni Eric. Halos nasa Php40,000 naman ang nautang niya kay Leslie dahil sa diumano ay nasa ICU daw ang kaniyang ina hanggang sa ito ay mamatay na at hindi na nabayaran pa ang utang sa kaniya. Ayon naman kay Beverly, nanghiram muna ng Php5,000 si Eric sa kaniya hanggang sa umabot na ito sa mahigit Php10,000 dahil din diumano sa kaniyang ina na nasa ICU ng mga panahong iyon.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media