Connect with us

Viral

Isang Pinay dumpster diver sa Amerika, halos $1,500 o Php75,000 kada buwan ang natitipid sa mga pagkaing nakukuha sa basurahan!

Published

on

Marami ang nagulat nang minsang maitampok ang Pinay Vlogger at dumpster diver na si Rona Meloche sa “Bawal Judgemental” ng “Eat Bulaga!” Kasama niyang naninirahan ang kaniyang asawa na isang Amerikano – si Chris Meloche at ang anak nila sa Florida, USA.

PHOTO/S: YOUTUBE (INDAY RONING)

Madalas na mapapanuod sa kaniyang vlog sa “Inday Roning” ang mga ginagawa niyang pamamasura sa Amerika. At maniniwala ba kayo na ang pagiging madiskarte niyang ito ay nakakatipid silang mag-anak ng halos $1,500 o Php75,000 kada buwan.

PHOTO/S: YOUTUBE (INDAY RONING)

Hindi na kasi sila bumibili pa ng mga prutas, gulay, karne, itlog, juice, at snacks dahil ang lahat ng ito ay nasa basurahan na mismpo. Hindi naman daw bawal ang dumpster diving sa Amerika basta’t hindi ka lamang papasok sa mga lugar na mayroong “No Tresspassing” signs.

Hindi rin daw dapat mangamba kung marumi at ligtas ba ang mga pagkaing ito dahil sa sinisigurado niyang hindi pa expired ang mga pagkain na ito. Tuwing gabi din sila namamasura sa gilid ng mga supermarket at grocery stores kung kaya naman mga bagong tapon na pagkain lamang ang kaniyang kinukuha.

PHOTO/S: YOUTUBE (INDAY RONING)

Sa tuwing makakakuha din daw siya ng mga bukas na o bawas nang pagkain ay ibinibigay na lamang niya ito sa mga hayop o di kaya naman ay ginagawang pataba sa kaniyang hardin. Hindi rin niya nakakalimutang tumulong sa mga taong nangangailangan sa kanilang lugar dahil ipinapamahagi din niya ang mga pagkain na ito sa kanila.

PHOTO/S: YOUTUBE (INDAY RONING)

Sobrang supportive din ang kaniyang asawa sa kaniyang pagiging madiskarte at proud ito sa kaniya. Hindi rin daw kailan man nakapag-ulit ng putaheng niluluto ang kaniyang misis mula sa pamamasura dahil sa palaging napakarami niyang nakukuhang pagkain dito.

PHOTO/S: YOUTUBE (INDAY RONING)

Laki sa bukid at simpleng pamumuhay si Rona kung kaya naman naging emosyonal talaga siya nang makita ang mga pagkain na nasasayang sa kanilang lugar. Para sa kaniya, walang dapat ikahiya sa kaniyang ginagawa at talagang ipagpapatuloy niya ito upang mabawasan ang mga pagkaing nasasayang sa kanilang lugar na maaari pa din naman talagang pakinabangan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media