Connect with us

Viral

Vlogger na si Kim Whanos at nobya nitong si Antonette, pinatunayan ang kanilang pagiging sweet sa mga videos na ito!

Published

on

Isa sa pinakakontrobersiyal na tambalan ngayon sa social media ang magkasintahang Kim Whamos Cruz at nobya nitong si Antonette. Whamonette kung tawagin ang kanilang tambalan at talagang marami ang nagulat sa kanilang pagmamahalan.

Ayon kasi sa ilang mga netizens ay pera lamang diumano ang gusto ng dalagang si Antonette Gail Del Rosario sa kaniya. True love naman ito para sa magkasintahan kahit pa nga marami ang talagang hindi sang-ayon sa kanilang pagmamahalan, mas pinili pa rin ng dalawang ipagpatuloy ang kanilang relasyon.

Sa kabila ng maraming mga negatibong komento sa publiko ay talagang makikita sa kanilang mga videos online kung gaano sila ka-sweet sa isa’t-isa. Ilang mga followers nila ang kinilig sa isang video nilang magkasintahan kung saan makikitang mahimbing ang tulog ni Kim Whamos sa dibdib mismo ng kaniyang nobya.

Mayroon pang isang video kung saan makikitang pinaglalaruan ng dalaga ang mukha ng kaniyang nobyo at maya-maya pa ay hinalikan niya ito sa labi. Umani ito ng maraming mga komento mula sa publiko.

Ayon sa ilang mga netizens, tiyak na matatapos na raw ang espekulasyon na pera lamang ang habol ni Antonette sa kaniyang nobyo dahil sa tunay ang relasyon nila sa pamamagitan ng halik niyang ito sa video. Para sa ating mga Pilipino, malaking bagay talaga ang hitsura, edad, at estado sa buhay lalo na sa dalawang taong nagmamahalan.

Naging kaugalian na kasi natin na ang mga bagay na ito na talaga ang dapat na bigyang halaga ng mga tao. Nakakalungkot man ngunit hindi lahat ng mga tao ay sang-ayon dito.

Dahil sa marami pa rin naman talaga ang nagpapatunay na sa kabila ng malaking agwat sa edad o di kaya naman ay malaking pagkakaiba pagdating sa pisikal na anyo ay kayang-kaya pa rin ng dalawang tao na magmahal at mahalin din naman. Kadalasan ay hindi rin nagiging tama at wasto ang basta-basta na lamang panghuhusga sa dalawang taong nais lamang ay magmahalan tulad na lamang ng magkasintahang Kim Whamos at Antonette Gail.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media