Connect with us

Viral

Isang banyagang Welshman ang nanirahan sa Pilipinas, niloko ng mga taong kaniyang pinagkatiwalaan, at muling bumangon sa kabila ng masakit na karanasan!

Published

on

Naging mentalidad na ng maraming mga Pilipino na sa tuwing mayroong dayuhan o banyaga sa ating bayan ay tiyak na marami itong pera o mayaman ito. Nakakalungkot isipin na karamihan sa ating mga Pilipino ay ganito na lamang mag-isip.

Ang dayuhan na si Anselm, 28 taong gulang ay mula saWales. Siya ay isang Welshman na nagtatrabaho roon bilang isang taga-walis.

Masipag siya at talaga namang madiskarte sa buhay. Minsang siyang dumalaw sa Pilipinas at talagang nabighani siya sa napakagandang tanawin sa bansa.

Hindi na rin nakapagtataka na ninais niyang manirahan na rito. Nakakilala siya ng isang Pilipina at nagpakasal sila noong2016 sa Davao City.


Nagsumikap siya ng husto upang makapagpundar ng isang negosyo para na rin sa kanilang pamilya. Fishpond ang ninais niyang simulan na negosyo. Kahit wala siyang karanasan sa trabahong ito ay talagang nag-aral siyang mabuti kung paano manghuli ng isda at kung paano ito maibebenta.

Nag-aral din siyang sumakay ng bangka at igayak ang lahat ng mga gagamitin para sa kanilang fishpond. Hindi niya inaasahan na magiging maganda ang takbo ng kaniyang negosyo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay niloko siya ng mga tao na dapat sana ay katuwang niya sa kaniyang negosyo.

Sa kabila ng naging karanasan na ito ay nagsumikap pa siya lalo at hindi sumuko. Kahit pa nga malayo siya sa kaniyang pamilya ay talagang nagpakatatag siya upang maibangon muli ang kaniyang kabuhayan.

Gumawa na rin siya ng barong-barong malapit sa kanilang fishpond upang doon na siya matulog at mamahinga. Malaking tipid din ito kaysa gumastos pa siya sa pamasahe araw-araw.

Naging malaking inspirasyon at sumuporta din naman ng husto sa kaniya ang kaniyang asawa. Sa ngayon ay talagang napalago na niya ang kaniyang negosyo.

Marunong na din siyang magsalita ng Bisaya at mas marami na siyang nabebentahan na mga tindero at tindera sa palengke. Tunay nga na walang imposible sa taong masipag at may pangarap sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media