Connect with us

Viral

Isang matandang lalaki na nagtitinda ng lugaw, kinahabagan ng publiko dahil sa halos wala nang bumibili sa kaniyang paninda!

Published

on

Sa nagdaang mga taon, talaga namang nararamdaman na nating lahat ang hirap ng buhay. Ang sweldo ng mga manggagawa ay nananatiling mababa habang ang mga pangunahing gastusin ay pataasan naman ng pataas.

Photo credit: Max Udomsak

Hindi pa kasama ang mga buwis na kasama na sa lahat ng mga bilihin at serbisyong ating tinatangkilik. Mahirap na nga talaga ang buhay sa ngayon kung kaya naman talagang doble kayod ang marami sa atin.

Photo credit: Max Udomsak

Tulad na lamang ng matandang lalaki na ito na minsan nang umantig sa puso ng publiko. Isang netizen na nagngangalang Max Udomsak mula sa Bangkok, Thailand ang nagbahagi ng kwentong ito sa social media.

Photo credit: Max Udomsak

Nagsusumikap ang matanda upang kahit paano ay magkaroon siya ng kaunting pagkakakitaan ngunit wala daw talagang halos bumibili dito dahil na rin sa estado ng kaniyang pwesto. Kahit pa nga masarap at mura ang kaniyang lugaw sa halagang 34 at 40 naman kung mayroong kasamang itlog ay tila wala pa ring na-eengganyo na bumili sa kaniya.

Photo credit: Max Udomsak

Kaya pala nagpapagal ang matanda ay dahil sa minsan na siyang nasunugan ng bahay kung kaya naman sa isang abandonadong bahay na lamang siya ngayon tumutuloy. Dagdag pa ni Max, wala nang kasama sa buhay ang matanda kung kaya naman talagang lahat ng trabaho ay siya na mismo ang gumagawa.

Alas tres ng madaling-araw kung siya ay bumangon at magsimula sa kaniyang mga gawain. Hanggang gabi ay talagang nagbabakasakali siyang maraming bibili sa kaniyang paninda.

Photo credit: Max Udomsak

Masarap naman daw talaga ang lutong lugaw ni lolo ayon kay Max ngunit talagang kakaunti lamang ang nagnanais na bumili sa kaniya. Dito na pumasok sa kaniyang isipan na kuhanan ng larawan ang matanda at ang tindahan nito gayundin ay ibahagi ang kaniyang kwento upang kahit papaano ay malaman ng publiko na malinis at masarap ang tinda ng matanda.

Photo credit: Max Udomsak

Sa paraang ito ay maaaring dumami ang mga taong bibili ng kaniyang tindang lugaw. At tiyak na makakatulong ito para sa kaniyang kabuhayan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media