Connect with us

Viral

Isang 19 na taong gulang na estudyante ang nakabili na ng sarili niyang bahay at lupa dahil sa pagiging working student nito kahit pa sa gitna ng pandemya!

Published

on

Isa sa mga pangunahing plano ng mga taong gusto nang mag-settle down o lumagay sa tahimik ay ang pagpupundar ng sarili nilang bahay at lupa. Ngunit kahit gaano man natin kagusto ang makapagpundar nito, napakaraming mga hadlang at dahilan upang hindi natin ito maisakatuparan.

Kung kaya naman marami sa mga pamilyang Pilipino ngayon ang nakikitira na lamang din sa kanilang mga magulang, mga kamag-anak, o di kaya naman ay nangungupahan. Ngunit para sa 19 na taong gulang na si Patricia Mae Tandas, walang makakahadlang sa kaniya upang matupad ang isa sa kaniyang mga pangarap.

Sinong mag-aakala na sa murang edad niya ay magkakaroon na siya ng sarili niyang bahay at lupa? Ayon sa dalaga, nais lamang niya talagang makatulong sa kaniyang pamilya sa gitna ng pandemyang ito at makabili rin ng mga pangangailangan niya gamit ang sarili niyang pera.

Ngunit habang tumatagal ay tila ba nasasayangan siya sa mga pera na inilalaan niya sa kaniyang mga luho. Kung kaya naman nag-isip siya ng paraan kung paano niya maiipon ang kaniyang kita ng pangmatagalan at talagang may mapupuntahan.


Ang tinutukoy pala ni Patricia na “magagamit nila in the long run” ay isang bahay at lupa na pinaglaanan talaga ng dalaga para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Sa ngayon ay nasa kolehiyo na siya at kumukuha ng kursong “Psychology”.

Talaga namang nakakamangha at nakakabilib ang mentalidad na ito ng dalaga. Kung marami sa atin ngayon ang hindi na nag-iisip pa tungkol sa pinatutunguhan ng ating pinaghirapang pera ay mayroon pa rin palang mga kabataan na talagang inuuna muna ang mga mahahalagang bagay bago pa man ang anumang bagay.

Tiyak na mas maraming mga kabataan ang makakapulot ng aral sa kwento ng dalagang si Patricia. Maaaring hindi pa natin kaya sa ngayon ngunit darating din ang panahon kung kailan mararamdaman nating handa na tayo sa malaking responsibilidad na ito.

Malaki din ang magiging epekto nito sa ating buhay at sa buhay ng ating pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media