Connect with us

Viral

Napakagandang modelo na si Bikbik, mas lalo pang pinahanga ang publiko dahil sa kaniyang themed birthday photoshoot!

Published

on

Hindi na bago sa mga sikat na personalidad ang magkaroon ng mga photoshoots o pictorial. Talaga namang inaabangan at sinusuportahan ito ng kanilang mga fans.

Photo credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Kamakailan lamang ay pinakitaan ng napakagandang modelo na si Bikbik ang kaniyang mga tagahanga. Ang kaniya kasing birthday photoshoot ay mayroong tema na Victorian. Hindi mapigilan ng publiko ang mamangha dahil talaga namang napakaganda ng kinalabasan ng kaniyang mga larawan.

Napakaeleganteng tingnan ng kaniyang mga larawan. Aakalain mong siya ay ganap ng dalaga ngunit ang totoo ay limang taong gulang pa lamang siya talaga. Si Bikbik ay si Victoria Serrah Tonin sa tunay nabuhay.

Photo credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Ang kaniyang ina ay isang Pilipina habang mayroon naman siyang Canadian na ama. Hindi na nakapagtataka na namana niya sa kaniyang mga magulang ang angkin niyang kagandahan.

Maaalalang isang taong gulang pa lamang noon si Bikbik nang mapukaw ang atensyon ng mga netizens sa kaniyang mga magagandang larawan. Sa murang edad kasi ay talagang nakita ng maraming mga Pilipino kung paano niya dinala ang mga cute na damit aat accessories na isinusuot sa kaniya ng kaniyang ina.

Photo credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Kung maraming mga bata sa ngayon ang talagang iiyak at mag-aalburuto kung susuotan ng mga ganitong klaseng damit, gustong-gusto pa ito ng batang si Bikbik. Kung noon ay mayroon lamang siyang 150,000 followers sa kaniyang Facebook account, ngayon ay mayroon na siyang higit sa 815,000 na mga followers.

Tunay nga na napakasarap magkaroon ng isang anak na babae na pwedeng-pwede nating ayusan at pagandahin. Marahil ay manika ang turing ng marami sa atin lalo na kung nakakakita tayo ng mga bata katulad ni Bikbik.

Photo credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Marami man ang nagsasabi na marahil ay hindi na siya nakakapaglaro o hindi na niya na-eenjoy pa ang kaniyang pagiging bata, iginiit naman ni Bikbik na masaya siya sa kaniyang ginagawa. Naglalaan din naman ang kaniyang mga magulang ng oras upang siya ay makapaglibang at makapaglaro.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media