Connect with us

Viral

11 taong gulang na batang lalaki, maagang nakapagtapos ng kolehiyo at nagkamit pa ng karangalan bilang isang summa cum laude!

Published

on

Ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na pinaglalaanan talaga ng ating mga magulang para sa ating kinabukasan. Hindi biro ang magpaaral sa panahon ngayon dahil talagang napakataas ng mga gastusin at sadyang napakababa naman ng sweldo ng mga manggagawa.

Photo credit: Laurent Simons instagram

Marahil ay ito na rin ang isa sa dahilan ng mga mag-asawa kung kaya hindi na sila nagnanais pa ng maraming anak. Kahit kasi gaano kahirap ang buhay ng isang pamilya at kahit anong pagsubok pa ang kanilang pagdaanan ay talagang igagapang ng mga magulang ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Isa na marahil sa pinakamapalad na pamilya sa buong mundo ang pamilya ng 11 taong gulang na batang si Laurent Simons. Sa murang edad kasi ay nakapagtapos na siya ng kursong Bachelor’s Degree in Physics.

Photo credit: Laurent Simons instagram

Nabigyan din siya ng karangalan bilang Summa Cum Laude makalipas lamang ang isang taon niya sa University of Antwerp. Marami ang nagtaka kung paanong sa kaniyang murang edad ay nakapagtapos na siya agad ng kolehiyo.

Tipikal kasi sa kaniyang edad na nasa elementarya pa lamang at hindi sa unibersidad. Ngunit dahil sa pagiging isang henyo niya ay nakamit niya ang pambihirang tagumpay na ito.

Photo credit: Laurent Simons instagram

Ayon sa ilang mga ulat, nagtapos siya sa kolehiyo na mayroong average na 9 sa kaniyang diploma. Sa ngayon ay nais niyang tapusin ang kaniyang “graduate studies” sa Physics.

Nang minsang siyang makapanayam ay ibinahagi niyang nais niyang maging isang Scientist at magawang makapagpalit ng mas maraming bahagi ng katawan ng isang tao sa pamamagitan ng mga “counterfeit organs”. Hindi rin lingid sa publiko na noon pala ay nag-aral din siya ng Electrical Engineering sa Eindhoven University of Technology sa Netherlands na hindi niya natapos dahil sa nagkaroon sila ng alitan ng kaniyang paaralan.

Photo credit: Laurent Simons instagram

Hindi kasi makapaniwala ang paaralan na makakapagtapos siya ng kolehiyo bago pa man ang kaniyang ika-10 taong kaarawan. Ninais niyang lumipat at mag-aral na lamang sa Israel o sa Estados Unidos ngunit sa halip ay lumipat na lamang siya sa University of Antwerp sa Belgium.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media