Connect with us

Viral

King of Scents na si Joel Cruz, inamin na gumastos siya ng Php52 milyong piso para lamang magkaroon siya ng 8 mga anak sa pamamagitan ng surrogacy!

Published

on

Ang pagiging isang magulang ay maituturing nating biyaya mula sa Diyos. Kahit pa nga mabigat itong responsibilidad at marami din talagang ayaw makaranas nito ay hindi pa rin natin maiaalis sa ating kapwa na mangarap na magkaroon ng sarili nilang mga anak balang-araw.


Tulad na lamang nang naging karanasan ng King of Scents ng Pilipinas na si Joel Cruz. Isa siya sa pinakamatagumpay na negosyante ngayon sa bansa at hindi na nakapagtataka pa na mas lalo pang dumarami ang kaniyang mga negosyo.

Hindi na rin lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging bahagi niya ng LGBTQ community. Sa kabila nito ay talagang hindi siya natinag sa kaniyang pangarap na magkaroon ng sarili niyang mga anak.


Hindi legal sa Pilipinas ang proseso ng surrogacy ngunit sinubukan pa rin niya ito sa tulong ng isang surrogate mother. Sa kasamaang-palad ay hindi nabuhay ang kaniyang anak dahil sa hindi naging makamit ang sanggol sa sinapupunan ng ina.

Makalipas ang isang dekada ay sumubok siyang muli, sa bandang Russia naman kung saan ito legal. Naibahagi din niya na kahit legal ito ay talagang kakailanganin nang sino mang magnanais nito na sumailalim sa mahigpit na proseso.


Naiyak din daw siya sa Russian lawyer na nag-interview sa kaniya noon dahil sa talagang pagnanais niyang magkaroon na ng anak. Palaging kambal ang kaniyang mga anak at sa ngayon ay mayroon na siyang apat na pares ng kambal.

Gumastos siya ng Php52,000,000 para lamang magkaroon siya ng walong mga anak. Sa ngayon nga ay kuntento na siya at masayang masaya dahil sa kasama na niya ang kaniyang mga anak na nagsisilbing lakas at inspirasyon niya.


Laking pasasalamat din naman ni Joel sa kaniyang surrogate na si Lydia. Maliban sa nakukuha niyang bayad mula sa firm sa Russia ay binibigyan din ni Joel ng sarili nitong pera si Lydia.

Dadalaw sana siya sa mga bata at kay Joel ngunit naudlot ito dahil sa pandemya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media