Connect with us

Viral

Isang buwang sweldo ng ama, inipon para lamang maibili ng t-shirt ang kaniyang anak!

Published

on

Madalas nating marinig ang mga katagang “Hindi kayang tiisin ng magulang ang kaniyang mga anak”, o di kaya naman ay “Kaning isusubo na lamang ng ama/ina ay ibibigay pa sa kanilang mga anak. Talaga namang hindi natin kayang ilarawan ang pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Kahit pa nga sarili nilang lakas at buhay ay handa nilang ibigay para lamang sa mga ito. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang kwento na ito ng isang mag-ama.

Si Tatay Franco Emperado at ang kaniyang anak na 12 taong gulang, si Federico. Ayon sa kwento ng netizen na si Remi Maek Baon, may-ari ng shop sa Biñan, Laguna na madalas madaanan ni Tatay Franco.

Kaya pala napapansin niya ang madalas na pagsilip-silip ng matanda ay sinusulyapan na niya ang ilang mga damit na naroon at nangangarap na isang araw ay mabilhan niya rin ang kaniyang anak ng isang damit o t-shirt man lamang. Isang araw ay bumili na nga ang mag-ama sa shop ni Remi kung kaya naman laking gulat niya at tuwang-tuwa rin siya dahil sa nakita niya sa mata ng bata kung gaano ito kasabik na mabilhan siya ng kaniyang ama ng bagong damit.

Ayon pa kay Remie ay binabaan na lamang niya ng presyo ang napiling damit ng mag-ama upang mabili na nila ito. Masayang masaya naman sila lalo na si Federico dahil sa wakas ay mayroon na siyang bagong damit.

Ayon kay Tatay Franco, sakiting bata ang kaniyang anak kung kaya naman kinailangang iwanan ng kaniyang asawa na si Nanay Florentina ang kaniyang trabaho. Kahit pa nga maliit lamang ang kinikita ng kaniyang asawa ay talagang nagsumikap pa rin si Nanay Florentina na makapag-ipon sila para sa damit na gusto ng kanilang anak.

Sa kabila ng hirap ng buhay ay talagang nagpapatuloy pa rin sila sa pangangarap at pagsusumikap dahil batid nilang isang araw ay may pag-asa ring matupad ang mga pangarap nilang ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media