Connect with us

Viral

China Roces, ibinahagi ang naging marriage proposal sa kaniya ng kaniyang nobyo!

Published

on

Napakagandang karanasan para sa isang babae ang magkaroon ng isang marriage proposal mula sa taong pinakamamahal niya. Maaaring para sa marami sa atin ay hindi ito praktikal o dagdag gastos lamang ngunit hindi matatawaran ang saya at kaligayahang dulot nito sa isang babae.

Ito marahil ang dahilan kung bakit marami na rin ngayon ang mga kalalakihan na gumagawa nito. Isa din kasi itong paraan upang maiparamdam nila sa kanilang kasintahan ang tapat nilang intensyon at kung gaano sila ka-espesyal.

Kaniya-kaniya pa nga sila ng mga paraan at sorpresa kung paano magiging kakaiba ang kanilang marriage proposal. Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ni China Roces ang inihandang sorpresa para sa kaniya ng kaniyang nobyo. Si China Roces ay 28 taong gulang na aktres, modelo, at radio personality.

Sumikat siya bilang FHM cover girl. Naging co-host din siya sa “The Medyo Late Night Show with Jojo A” at “Wow Mali” ni Mr. Fu.

Sa ngayon ay pinasok na rin niya ang vlogging kung saan mas lalo pa siyang nakilala ng maraming mga netizens. Sa isa sa kaniyang mga vlogs ay ibinahagi niya ang video ng marriage proposal sa kaniya ng kaniyang nobyo.

Hindi niya akalain na mararanasan pa niya ito dahil na rin sa mga pagsubok at kabiguan na kaniyang naranasan noon. Kagagaling lang din niya sa hiwalayan at naibahagi din niya ito sa isa sa kaniyang mga vlog. Bagamat marami ang naging espekulasyon ngayon sa hiwalayan nila ni Tim Sawyer ay pinagpasalamat pa rin niya na nabiyayaan sila ng isang anak.

Sa ngayon ay masayang masaya na rin sila sa kanilang mga bagong karelasyon. Hindi rin nakalimutan ni China na pasalamatan ang kaniyang nobyo gayundin naman ang mga taong tumulong dito upang maging matagumpay ang proposal.

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na sa wakas ay alukin ka ng taong mahal mo ng kasal, hindi lahat ng kababaihan ay nakakaranas ng ganitong sorpresa mula sa kanilang minamahal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media