Connect with us

Inspiring

Mag-asawa nagsimula sa hirap ngunit ngayon ay marami nang mga negosyo at mayroon na ring mala-mansyon na bahay!

Published

on

Tagumpay – paano mo nga ba masasabing nagtagumpay ka na sa buhay? Mayroon man tayong kaniya-kaniya nating kahulugan sa salitang tagumpay, hindi natin dapat kalimutan na ang bawat kwento natin ay maaaring magsilbing inspirasyon at kalakasan sa ating kapwa.

Photo credit: Erica Duran Facebook

Tulad na lamang ng kwento ni Erika Duran at ng kaniyang asawa. Tulad ng ibang mga mag-asawa, nagsimula lang din sila sa simple. Maliit na inuupahang bahay, kaunting gamit at maliit na negosyo.

Sinong mag-aakala na magbubunga rin ang kanilang pagsusumikap at determinasyon sa buhay. Si Erika Duran ang may-ari ng “Amarah’s Corner”, isang kilalang restaurant at kainan kung saan maaari mong ma-enjoy ang mga cravings mo tulad na lamang halimbawa ng pizza, pasta at milk tea.

Photo credit: Erica Duran Facebook

Taong 2018 nang buksan nila ang munti nilang restaurant, nag-reopen sila ng mas malaking pwesto nang sumunod na taon. Sa kabila ang pandemya ay patuloy pa ring lumalago ang kanilang kabuhayan dahil sa patuloy silang nag-aaral at patuloy nilang pinapaunlad ang kung ano mang mayroon sila ngayon.

Mula sa isang branch noon ay mayroon na silang 12 mga branch ngayon ay patuloy pang nadaragdagan. Payo ni Erika ngayon sa mga taong nangangarap din na magtagumpay sa buhay:

“Huwag kang makakampante na perfect ka na, na maayos na lahat, dapat tanggapin mo lahat ng ibabatong negative sayo at gawin mong way yun para makita ang mga dapat pang iimprove.” Payo ni Erika.

Photo credit: Erica Duran Facebook

Kahit maliit lamang daw na “steps” ay malaking bagay na kung kaya naman huwag dapat manghinayang at matakot ang marami sa atin. Kailangan din na mahal mo ang ginagawa mo upang mas madali mong magawa ang lahat ng iyong plano.

Hindi rin daw dapat kalimutang maging positibo palagi. Tiyak na marami daw talagang problemang dadating kung kaya naman dapat itong solusyonan ng maayos at huwag nang tambayan pa ng husto.

Photo credit: Erica Duran Facebook

Nagsilbing inspirasyon sa maraming mga Pilipino ang kwento ng tagumpay na ito ni Erika Duran.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media